maraming naganap sa talaan ng buhay
ang sumatutal ay ang paglupaypay
maybigat man ang ating dibdib
patuloy pa rin ang hanging umiihip
PINOY
SA ATING BAYAN TAYO NGA AY MATAUHAN NA. WALA SA WAY AWAY O GALING GALINGAN ANG KAUNLARAN. WALA TAYONG KADAMAY SA ATING KAPABAYAAN. HINDI MO BA NAKIKITA TAYO AY NAPAG IIWANAN NA. LAHAT TAYO AY MAY SALA. LAHAT TAYO ANG DAPAT GUMAWA NG PARAAN PARA MAIANGAT NATIN ANG ATING PAGKATAO BILANG PILIPINO.
Wednesday, September 8, 2010
Wednesday, August 25, 2010
marami na tayong kapalpakan
sarili natin ay nilalapastangan
walang hinto agos ng kahihiyan
tama na maawa sa ating bayan
kaydaming pinoy na nasa labas
ibat ibang bansa ay naipalabas
mga kahihiyang sa mamayang pinas
mga ofw dangal ay nalagas
kayong nasa Pinas maawa naman
sa tulad naming nahihirapan
upang maipadala kakaramput na yaman
umayos kayo na nasa pamahalaan
ipatupad nyo na ang ating batas
bigyan ang lahat ng zero tolerance
mga lumalabag na mga gago't ahas
kailangang supilin ng buong dahas
tama na naman ang mga kainutilan
mga kapulisan at nagswaswatswatan
mga gang na sumisira sa bayan
ay tila dun sa puwesto sila nanahan
ano nga ba ang kahihinatnan
wala na bang mga katuparan
mga dasal at mga pangarap lang
di na ba matutupad gumising ka bayan
sarili natin ay nilalapastangan
walang hinto agos ng kahihiyan
tama na maawa sa ating bayan
kaydaming pinoy na nasa labas
ibat ibang bansa ay naipalabas
mga kahihiyang sa mamayang pinas
mga ofw dangal ay nalagas
kayong nasa Pinas maawa naman
sa tulad naming nahihirapan
upang maipadala kakaramput na yaman
umayos kayo na nasa pamahalaan
ipatupad nyo na ang ating batas
bigyan ang lahat ng zero tolerance
mga lumalabag na mga gago't ahas
kailangang supilin ng buong dahas
tama na naman ang mga kainutilan
mga kapulisan at nagswaswatswatan
mga gang na sumisira sa bayan
ay tila dun sa puwesto sila nanahan
ano nga ba ang kahihinatnan
wala na bang mga katuparan
mga dasal at mga pangarap lang
di na ba matutupad gumising ka bayan
Monday, August 23, 2010
ano ba yan?
ano bang klaseng kapulisan
may nang hostage ng ibang mamamayan
pulis na dapat mag bigay katahimakn
sya mismo ang lumapastangan
sa reputasyon ng ating bayan
sa ibang bansa ano na lang
ang kanilang mararamdaman
mga dapat na turistang
papunta sa ating bayan
ay hindi na lang kailanman
mga pulis na nakapatay sa engkwentro
ano ba ang alam ninyo
kayo mismo ang perwisyo
wala na kayong ginawang matino
pati ang mga mabubuting tulad nyo
ay nadudumihan ang apgkatao
dapat sa inyo higit na parusa
dahil dapat kayo ang manguna
at mag sangga sa mga tao pati turista
kayong lahat na mga tanga
bakit nagpaputok ng bastabasta?
ano bang klaseng kapulisan
may nang hostage ng ibang mamamayan
pulis na dapat mag bigay katahimakn
sya mismo ang lumapastangan
sa reputasyon ng ating bayan
sa ibang bansa ano na lang
ang kanilang mararamdaman
mga dapat na turistang
papunta sa ating bayan
ay hindi na lang kailanman
mga pulis na nakapatay sa engkwentro
ano ba ang alam ninyo
kayo mismo ang perwisyo
wala na kayong ginawang matino
pati ang mga mabubuting tulad nyo
ay nadudumihan ang apgkatao
dapat sa inyo higit na parusa
dahil dapat kayo ang manguna
at mag sangga sa mga tao pati turista
kayong lahat na mga tanga
bakit nagpaputok ng bastabasta?
Wednesday, December 2, 2009
HOY MAKINIG KA!

Ipakita mo ang walang takot na tao
at ipakikita ko sa iyo ang tonto’t gago
Mas mahaba ang usapin ay mas may pagkakataon
na ang magkabilang parte ay may kamaliang balot
Kahit ang pera mo ay bilyon bilyon,
hindi mo kayang bilhin ang kahapon.
Importanteng malaman ng iba kung saan ka maninindigan
Mahalaga ring malaman nila ang hindi mo tatayuan
Minsan hindi ka sinusunud ng mga bata
pero hindi sila pumapalyang gayahin ka
Ang iba ay nakakapagpaligaya kahit saan sila pumunta
Ang iba naman ay nakakapag paligaya kung sila’y aalis na
Kung sa kapuwa mo ay tunay kang naiinggit,
ay isang pag-amin na ito nga ay nakahihigit.
Mayroon kang siguradong mga kaibigan, ito ay tatlo,
sarili mo, ang asawa mong tumanda na sa iyo,
at ang perang nalikom sa bangko.
Sa mga gagawin mo pa lamang ay walang reputasyon,
sa mga nagawa mo na doon ka magkakaroon.
Ito ay purong katapangan, kung haharapin ng sabayan
ang pagsubok na inilapat sa palad mo ng Poong maykapal.
Kung ikaw ay wais magsasalita ka lang ayun sa yung karanasan,
Kung ikaw naman ay ubud ng wais bibig ay ititikum na lamang.
Ang isang nangnunguna ay parang isang agila
Hindi sila ibong grupong lumilipad ng laksa-laksa
bagkus sila ay lumilipad ng nag-iisa.
Ang sinumang magbabayad sa isang musikero,
ay syang may karapatang humingi ng tugtug nito.
Ang anumang nakuha sa paspsan at pabigla,
ay madali ring dumulas at mawala.
maganda ang pagiging mapagkumbaba
ngunit hipokrito ka kung ito ay sumubra.
Madalas matanto ang halaga,
Kung ito ay wala na.
Sa paglaban sa digmaan,
ang unang talunan,
ay ang katotohanan.
Isa lang siyang namumulitika,
hindi sya makabayan
kung inuuna nya
ang magagawa ng bayan
para sa kanya,
Isa syang makabayan
hindi namumuliktika lang
kung inuuna
ang magagawa nya
para sa bayan
HOY MAKINIG KA!

Utol, kung tatakbuhan mo ang tukso ng totohanan
ay huwag mong iiwanan ng numero ng yung tirahan
Lahat ng daan ay may lamat,
Sating bansa laging may bitak.
Sa gitna ng labanan na mahigpit,
bigyan ng liwanag huwag ng init.
Hanapin ang pinakamaganda sa bawat isa,
para makuha ang pinaka magandang magagawa nila.
Ang kapighatian ay isang masakit na sandali.
Ang magdalamhati bawat sandali ay iyung ikasasawi.
Kung ikaw ay bibili iwasang iutang,
Gumastos ka ng kayang kaya mo lang.
Huwag ka na lang hihingi ng payo,
para marinig lang yung gusto mo.
Ang paglalakad lakad ay masayang libangan
Pero hindi kailanmang masayang libangan
Kung ikaw ay nagbibilang ng poste sa daan
para makahanap ng trabahong mapapasukan
Huwag na tayong magsipag hintay sa Huling Paghuhukom
Nagdaraan ito sa bawat araw at buong maghapon
Ang kaibigan ay iniingatan at tinutulungan
Hindi inaabuso o kaya ay pinababayaan
Kung ang iyung katapatan ay may kasukat na pera
Maaaring sa linya ni Hudas doon ka nagmana.
Hindi nga bang marami ang kaangkan niya
ang ating nakikita, dito sa mundo, mag-iingat ka!
Ang suwerte ay mas malapit sa masikap na maagap.
Kung alam mo kung saan ka pupunta at dadaan
ang buong tao’y ikaw ay pararaanan sa iyung daraanan.
Mabahala ka sa taong ngiti ng ngiti,
Lumayo ka huwag ka ng mangimi.
Higit na mapanganib kung ang tunggak ang pumuri
kaysa sa mga masasamang kanyang sinasabi.
Mas madaling mamuhi at mainis
sa mga bagay na hindi natin
kayang bilin o maangkin
ang sinungaling pinakamapanganib
Totoo at mali ay malinis na naisasanib
Ang pinag isipan na bagay na hindi isinagawa ay walang kuwenta.
Ang isinagawang bagay na hind pinag-isipan ay sagarang purnada.
Kahunghangan ang isang ideya
kung hindi posibleng maging tama.
Kung hindi ka ibon,
Huwag kang tutuun
sa bunganga ng mayon.
Kung hindi mo gusto ang ginagawa ng ibang tao,
Subukin mong ipagusto ang ginagawa mo.
Ang isang tao nakita ang suliranin sinabi nyang malas ko naman ngayon
ang isa naman ay nakita rin ang suliranin, Ah ito ang solusyon!
Huwag mong iisipin ang problema,
isipin mo ang solusyon sa problema.
Aanhin mo pa ang mag tagumpay
kung masaya ka na sa yung buhay
Ang mahilig maglaro sa pagtago tago
ang larong maaaring maging piligroso
Mas magandang may kasamang parehas sa negosyo,
Kaysa mga empleyadong nagtratrabaho sa iyo.
Mga estudyante paka-iwasan habang nag-aaral ang tatlong L o B
kalalakihan:babae, barkada at bisyo; Kababaihan: lalaki, lakwatsa, landi
Hindi ba nakakahiya, paabre-abresyete ka,
estudyante ka pa lang at humihingi ng pera?
Huwag kang mag pakumbaba na parang tanga
at huwag maging ismarteng parang hambog ka
Sa Pilipinas iwasan mong tumingin sa kapuwa mo ng ilang segundo
Kung maaari huwag mo ng tingnan at kung tumingin ka bilisan mo
Ang karamihang kawalan ay hindi dahil sa pasyang malalaki
Kung hindi sa mga maraming pinag saka sakang munti munti
Hindi mo talaga kilala ang isang tao
Hanggang sa makita mong magalit ito
Kung sa una ay hindi ka nag tagumpay
ay siguro’y hindi mo pinaghuhusay
Ang tao ay nawawalan ng saysay tulad ng pako
kapag nawala sa direksyon ay nababalikoko
Ang karanasan ay yung katangahan
bago mo ito ginawa at nadaanan
Kung ikaw ay naghangad ng imposible
sinisira mo lang ang yung tino’t kukote
Ang pag-gawa ng tama ay may iba’t ibang paraan,
ngunit isa lang paraan kung papaano titingnan
Ito ay tingnan sa lubus na kabuuan
Hindi mo puwedeng ihati sa iba ang yung pagdadalamhati
Pero ang kaligayahan ay kailangan na may kasamang kahati
Ang mga guro sa buhay mong ginagalawan
magulang, paaralan, karanasan,at ang kalikasan
Sinong nagsabi sa iyo na patas ang mundo
sinasabi ko sa iyo walang patas patas dito.
ang maliliit mong sekreto ay nasasabi mo
pero madalas ang malaki ay tinatago sa puso
Walang katumbas kung magalit ito,
ang babaing inalipusta’t binigo.
Hoy Makinig Ka!

Huwag mung kasanayang damitin ang kahirapan
at ng mapalitan naman ang iyung kinasasaplutan
May matamis na ibubunga lahat ng walang kasiguruhan
basta may kaangkop itong kagustuhang maintindihan
Ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa
ay higit pa sa halagang kwarta
sapagkat hindi ito kayang tumbasan
ng ganitong kabayaran
Isa ka ngang malaking gago
Kung gustu mo’y sa argumento
ay laging manalo kaysa ikaw ay matuto
Ang pagiging batugan ay may sariling paraan,
para gamitin ang lahat ng oras na dumaraan,
madali, kanya lang tong sinasayang.
Huwag mong hayaan nga na hindi mo magawa
ang kaya mong magawa sa hindi mo kayang isagawa
Ang katontohang dalisay at masigasig na katangahan
ay ang mga pinakamalagim na bagay sa sang katauhan
Napakasakit pagmasdan ang pinagdurusahan
at malaman na ikaw mismo ang may kagagawan.
Kadalasan tayo ay nagtatalo sa anino,
hindi mismo ang pinanggalingan nito.
Napakadaling pumuna, pero ang isagawa ang mas maganda
ay napakahirap punan ng gawa ng bumabatikos na dila.
Kung sa puso mo ay pinagkakait ang munting regalo
Ang regalong ibibigay ay higit pa sa pagkatao mo.
Ang tagumpay ay puwede mo ring sukatin
Kung gaano kahaba ang iyung mga tiniis at tiisin
Ang buhay ay masalimuot at peligro
Doon sa mga taong umaabuso dito
Ang buhay mismo ay simple
tayo lang ang tumuturete
Kung sariling tadhana ay sinumpa man
ay dahil hindi mo rin ito naintindihan
Ang pinaka walang kakuwenta kwentang tagapayo
ay ang gusto mo lang marinig ang syang binibigay sa yo
Mga Basurang Tulad Mo: Gulagulanit Na Tadhana Ng Bata

May mga batang iniluwal ng magulang na para bang tinae lamang
Dahil sa mga tao na tulad nilang animalidad ang pinasaalang-alang
mga batang malaki ang tiyan nangagpapayatan mga laman ng lansangan
hindi lang iilan ang lawit ang mga pusod na animuy nangadudukwangan
amuy suka’t patis, amuy tulok, at tuyong pawis ang naghahalimuyakan
Mga buhok na nangagdidikitan na hitik sa kutong nangagsisipsipan
Mga hubad na paa hindi alintana ang mga ka-angutang inaapakan
Maraming musmus na hindi pinangarap na mabuo sa sinapupunan
Mga batang lumuwa na sa puerta ng ina tatlong buwan pa lamang
Mga durug na butiking katawang itinatapon sa madugong basurahan
Dahil sinungkit na sagaran nangalasag ang hiwahiwang katawan
Mga sanggol na buong buo na sa tiyan ng ina ay sapilitang kikitilan
nakapangingilabot na tingnan mga batang nilaglag ng mga magulang
Mabuti nga bang ganito kaysa mabuhay ng walang kinabukasan?
Sa isang tahanan ang anak na bata’y pinagsamantalahan ang katawan
Sarisaring pang-aabuso ang nakamtan, tinakot, sinaktan, sinisigawan
Ginagawang obrerong pagkakakitahan, at sa bahay naman ay utusan.
Walang pagmamahal na nararamdaman na yaon ang s’yang kailangan
minamaliit ang mumunting abilidad at pinakikitang mga katalinuhan
Puntulan ng sisi sa mga kasawiang sinapit ng kanyang mga magulang
at pagnagdilim ang mga paningin- sinasapak, sinisipa, at binabatukan
Mayroong mga anak busog sa layaw, mga magulang sunud sunuran
Puno sa materyal na bagay datapwat tamang disiplina ay kinalimutan
Sa paglaki ng anak lahat ay natikman, lahat ay nakukuha ng madalian
Hanggang lumaking impakto, walang pakialam kung may masasaktan
basta makuha ang ligayang pangsarili iyun lang ang pinahahalagahan
lumaki ng lumaki ang kawalanghiyaan, pinatay nya sariling magulang
Sa kasamaan ay naging talamak na tuluyan, naging kilabot ng bayan
Mayroon namang mga bata na di nakilala ang tunay na mga magulang
Inalagaang lubusan ng iba pinagpalang bata nalungkot nang malaman,
sa puso’y tumimo sidhing katigangan nang sya pala ay ampon lamang
mga pagmamahal na galing sa pusong kaibuturan ng mga nakagisnan
ay bakit ngayon ay hindi na sapat na sangkap sa kanyang kaligayahan
Sa isip at diwa nya tahimik na naghahanap, tila buhay nya’y nagkulang
Matapos magnilay sabay luhaang nagpapuri sa Maykapal sa kapalaran
May mga bata na tunay ang kabaitan at iba pang mainam na katangian
Inihutuk sa disiplina at pangaral at tamang ehemplo ng mga magulang
Pinalaking may takot sa Diyos at pagpapahalaga sa buong sangkatauhan
Bago niya desisyunan ang gagawi’y pinagiisipan bago niya isakatuparan
Lagi syang magalang, masigla at mapagdasal, masigasig sa pinag-aaralan
Malayo sa gulo’t bisyo, Hindi lumilisya sa katahimikan at tuwid na daan
Pinagpipitagan ng buong angkan, ng paaralan at ng buong sambayanan.
At may bata na naimpluwensyahan ng mga ligaw sa landas na kabataan
Sa kagustuhang bumagay at matanggap sa ganitong ungas na kaibigan
Uma-arteng siya ay sikat, ginagayang pilit ang makamundong katauhan
Lahat ng bisyu’y walang ngiming pinagtitikman hanggang sa malukuban
ng pagka-alipin sa mga bawal na gamot, imoralidad, at maling kapatiran
Salamat na lang at nang siya ay iniwan ng tinatawag nyang mga kaibigan
ay nalaman niyang napakalaking kahunghangan ang kanyang kapalaluan
Kinabukasan ng kabataa’y nakapatong sa mga kamay ng mga magulang
Ang pag-asa ng bayan ay hindi sa kabataan kung hindi sa mga nilalang
na may hawak ng mga batang nagsisilakihan na mamamayan ng lipunan
hindi sila ang kinabukasan kung ang bukas nila’y maitim pa sa kadiliman
Ang sukatang tunay ng kadakilaan at kabayanihan ng isang mamamayan
ay ang pagiging handa at tuwid na magulang sa mga anak na inaalagaan
Kung naitawid mo silang hawak mo sa isang maliwanag na kinabukasan
Maling pananaw ay buwagin at lansagin na nga ng bago nating kaisipan
huwag nating ipatong sa balikat ng kabataan ang bukas ng ating lipunan.
Ang bukas nga ay ngayon at ito ay paghandaan ng maging makabuluhan
at maging katotohanan na nga ang kabataan ang pag asa ng ating bayan
kung talagang isasakatuparan lahat ang pagiging tunay na mga magulang
isa alang alang ito ay ang pinaka sagradong obligasyun sa ating kapalaran
na hutuking ngang tunay ang supling sa tamang asal ayun sa kautusan

Subscribe to:
Posts (Atom)