Wednesday, December 2, 2009

HOY MAKINIG KA!



Utol, kung tatakbuhan mo ang tukso ng totohanan
ay huwag mong iiwanan ng numero ng yung tirahan

Lahat ng daan ay may lamat,
Sating bansa laging may bitak.

Sa gitna ng labanan na mahigpit,
bigyan ng liwanag huwag ng init.

Hanapin ang pinakamaganda sa bawat isa,
para makuha ang pinaka magandang magagawa nila.

Ang kapighatian ay isang masakit na sandali.
Ang magdalamhati bawat sandali ay iyung ikasasawi.

Kung ikaw ay bibili iwasang iutang,
Gumastos ka ng kayang kaya mo lang.

Huwag ka na lang hihingi ng payo,
para marinig lang yung gusto mo.

Ang paglalakad lakad ay masayang libangan
Pero hindi kailanmang masayang libangan
Kung ikaw ay nagbibilang ng poste sa daan
para makahanap ng trabahong mapapasukan

Huwag na tayong magsipag hintay sa Huling Paghuhukom
Nagdaraan ito sa bawat araw at buong maghapon



Ang kaibigan ay iniingatan at tinutulungan
Hindi inaabuso o kaya ay pinababayaan

Kung ang iyung katapatan ay may kasukat na pera
Maaaring sa linya ni Hudas doon ka nagmana.
Hindi nga bang marami ang kaangkan niya
ang ating nakikita, dito sa mundo, mag-iingat ka!

Ang suwerte ay mas malapit sa masikap na maagap.

Kung alam mo kung saan ka pupunta at dadaan
ang buong tao’y ikaw ay pararaanan sa iyung daraanan.

Mabahala ka sa taong ngiti ng ngiti,
Lumayo ka huwag ka ng mangimi.

Higit na mapanganib kung ang tunggak ang pumuri
kaysa sa mga masasamang kanyang sinasabi.

Mas madaling mamuhi at mainis
sa mga bagay na hindi natin
kayang bilin o maangkin

ang sinungaling pinakamapanganib
Totoo at mali ay malinis na naisasanib

Ang pinag isipan na bagay na hindi isinagawa ay walang kuwenta.
Ang isinagawang bagay na hind pinag-isipan ay sagarang purnada.

Kahunghangan ang isang ideya
kung hindi posibleng maging tama.

Kung hindi ka ibon,
Huwag kang tutuun
sa bunganga ng mayon.

Kung hindi mo gusto ang ginagawa ng ibang tao,
Subukin mong ipagusto ang ginagawa mo.

Ang isang tao nakita ang suliranin sinabi nyang malas ko naman ngayon
ang isa naman ay nakita rin ang suliranin, Ah ito ang solusyon!


Huwag mong iisipin ang problema,
isipin mo ang solusyon sa problema.

Aanhin mo pa ang mag tagumpay
kung masaya ka na sa yung buhay

Ang mahilig maglaro sa pagtago tago
ang larong maaaring maging piligroso

Mas magandang may kasamang parehas sa negosyo,
Kaysa mga empleyadong nagtratrabaho sa iyo.

Mga estudyante paka-iwasan habang nag-aaral ang tatlong L o B
kalalakihan:babae, barkada at bisyo; Kababaihan: lalaki, lakwatsa, landi

Hindi ba nakakahiya, paabre-abresyete ka,
estudyante ka pa lang at humihingi ng pera?

Huwag kang mag pakumbaba na parang tanga
at huwag maging ismarteng parang hambog ka

Sa Pilipinas iwasan mong tumingin sa kapuwa mo ng ilang segundo
Kung maaari huwag mo ng tingnan at kung tumingin ka bilisan mo

Ang karamihang kawalan ay hindi dahil sa pasyang malalaki
Kung hindi sa mga maraming pinag saka sakang munti munti

Hindi mo talaga kilala ang isang tao
Hanggang sa makita mong magalit ito

Kung sa una ay hindi ka nag tagumpay
ay siguro’y hindi mo pinaghuhusay

Ang tao ay nawawalan ng saysay tulad ng pako
kapag nawala sa direksyon ay nababalikoko

Ang karanasan ay yung katangahan
bago mo ito ginawa at nadaanan

Kung ikaw ay naghangad ng imposible
sinisira mo lang ang yung tino’t kukote


Ang pag-gawa ng tama ay may iba’t ibang paraan,
ngunit isa lang paraan kung papaano titingnan
Ito ay tingnan sa lubus na kabuuan

Hindi mo puwedeng ihati sa iba ang yung pagdadalamhati
Pero ang kaligayahan ay kailangan na may kasamang kahati

Ang mga guro sa buhay mong ginagalawan
magulang, paaralan, karanasan,at ang kalikasan

Sinong nagsabi sa iyo na patas ang mundo
sinasabi ko sa iyo walang patas patas dito.

ang maliliit mong sekreto ay nasasabi mo
pero madalas ang malaki ay tinatago sa puso

Walang katumbas kung magalit ito,
ang babaing inalipusta’t binigo.

No comments:

Post a Comment