Wednesday, December 2, 2009

Hoy Makinig Ka!





Huwag mung kasanayang damitin ang kahirapan
at ng mapalitan naman ang iyung kinasasaplutan

May matamis na ibubunga lahat ng walang kasiguruhan
basta may kaangkop itong kagustuhang maintindihan

Ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa
ay higit pa sa halagang kwarta

sapagkat hindi ito kayang tumbasan
ng ganitong kabayaran

Isa ka ngang malaking gago
Kung gustu mo’y sa argumento
ay laging manalo kaysa ikaw ay matuto

Ang pagiging batugan ay may sariling paraan,
para gamitin ang lahat ng oras na dumaraan,
madali, kanya lang tong sinasayang.

Huwag mong hayaan nga na hindi mo magawa
ang kaya mong magawa sa hindi mo kayang isagawa

Ang katontohang dalisay at masigasig na katangahan
ay ang mga pinakamalagim na bagay sa sang katauhan

Napakasakit pagmasdan ang pinagdurusahan
at malaman na ikaw mismo ang may kagagawan.

Kadalasan tayo ay nagtatalo sa anino,
hindi mismo ang pinanggalingan nito.

Napakadaling pumuna, pero ang isagawa ang mas maganda
ay napakahirap punan ng gawa ng bumabatikos na dila.

Kung sa puso mo ay pinagkakait ang munting regalo
Ang regalong ibibigay ay higit pa sa pagkatao mo.

Ang tagumpay ay puwede mo ring sukatin
Kung gaano kahaba ang iyung mga tiniis at tiisin

Ang buhay ay masalimuot at peligro
Doon sa mga taong umaabuso dito

Ang buhay mismo ay simple
tayo lang ang tumuturete

Kung sariling tadhana ay sinumpa man
ay dahil hindi mo rin ito naintindihan

Ang pinaka walang kakuwenta kwentang tagapayo
ay ang gusto mo lang marinig ang syang binibigay sa yo

No comments:

Post a Comment