Wednesday, December 2, 2009

HOY MAKINIG KA!

Ipakita mo ang walang takot na tao
at ipakikita ko sa iyo ang tonto’t gago

Mas mahaba ang usapin ay mas may pagkakataon
na ang magkabilang parte ay may kamaliang balot

Kahit ang pera mo ay bilyon bilyon,
hindi mo kayang bilhin ang kahapon.

Importanteng malaman ng iba kung saan ka maninindigan
Mahalaga ring malaman nila ang hindi mo tatayuan

Minsan hindi ka sinusunud ng mga bata
pero hindi sila pumapalyang gayahin ka

Ang iba ay nakakapagpaligaya kahit saan sila pumunta
Ang iba naman ay nakakapag paligaya kung sila’y aalis na

Kung sa kapuwa mo ay tunay kang naiinggit,
ay isang pag-amin na ito nga ay nakahihigit.

Mayroon kang siguradong mga kaibigan, ito ay tatlo,
sarili mo, ang asawa mong tumanda na sa iyo,
at ang perang nalikom sa bangko.

Sa mga gagawin mo pa lamang ay walang reputasyon,
sa mga nagawa mo na doon ka magkakaroon.

Ito ay purong katapangan, kung haharapin ng sabayan
ang pagsubok na inilapat sa palad mo ng Poong maykapal.

Kung ikaw ay wais magsasalita ka lang ayun sa yung karanasan,
Kung ikaw naman ay ubud ng wais bibig ay ititikum na lamang.

Ang isang nangnunguna ay parang isang agila
Hindi sila ibong grupong lumilipad ng laksa-laksa
bagkus sila ay lumilipad ng nag-iisa.

Ang sinumang magbabayad sa isang musikero,
ay syang may karapatang humingi ng tugtug nito.

Ang anumang nakuha sa paspsan at pabigla,
ay madali ring dumulas at mawala.

maganda ang pagiging mapagkumbaba
ngunit hipokrito ka kung ito ay sumubra.

Madalas matanto ang halaga,
Kung ito ay wala na.

Sa paglaban sa digmaan,
ang unang talunan,
ay ang katotohanan.

Isa lang siyang namumulitika,
hindi sya makabayan
kung inuuna nya
ang magagawa ng bayan
para sa kanya,
Isa syang makabayan
hindi namumuliktika lang
kung inuuna
ang magagawa nya
para sa bayan

HOY MAKINIG KA!

Utol, kung tatakbuhan mo ang tukso ng totohanan
ay huwag mong iiwanan ng numero ng yung tirahan

Lahat ng daan ay may lamat,
Sating bansa laging may bitak.

Sa gitna ng labanan na mahigpit,
bigyan ng liwanag huwag ng init.

Hanapin ang pinakamaganda sa bawat isa,
para makuha ang pinaka magandang magagawa nila.

Ang kapighatian ay isang masakit na sandali.
Ang magdalamhati bawat sandali ay iyung ikasasawi.

Kung ikaw ay bibili iwasang iutang,
Gumastos ka ng kayang kaya mo lang.

Huwag ka na lang hihingi ng payo,
para marinig lang yung gusto mo.

Ang paglalakad lakad ay masayang libangan
Pero hindi kailanmang masayang libangan
Kung ikaw ay nagbibilang ng poste sa daan
para makahanap ng trabahong mapapasukan

Huwag na tayong magsipag hintay sa Huling Paghuhukom
Nagdaraan ito sa bawat araw at buong maghapon

Ang kaibigan ay iniingatan at tinutulungan
Hindi inaabuso o kaya ay pinababayaan

Kung ang iyung katapatan ay may kasukat na pera
Maaaring sa linya ni Hudas doon ka nagmana.
Hindi nga bang marami ang kaangkan niya
ang ating nakikita, dito sa mundo, mag-iingat ka!

Ang suwerte ay mas malapit sa masikap na maagap.

Kung alam mo kung saan ka pupunta at dadaan
ang buong tao’y ikaw ay pararaanan sa iyung daraanan.

Mabahala ka sa taong ngiti ng ngiti,
Lumayo ka huwag ka ng mangimi.

Higit na mapanganib kung ang tunggak ang pumuri
kaysa sa mga masasamang kanyang sinasabi.

Mas madaling mamuhi at mainis
sa mga bagay na hindi natin
kayang bilin o maangkin

ang sinungaling pinakamapanganib
Totoo at mali ay malinis na naisasanib

Ang pinag isipan na bagay na hindi isinagawa ay walang kuwenta.
Ang isinagawang bagay na hind pinag-isipan ay sagarang purnada.

Kahunghangan ang isang ideya
kung hindi posibleng maging tama.

Kung hindi ka ibon,
Huwag kang tutuun
sa bunganga ng mayon.

Kung hindi mo gusto ang ginagawa ng ibang tao,
Subukin mong ipagusto ang ginagawa mo.

Ang isang tao nakita ang suliranin sinabi nyang malas ko naman ngayon
ang isa naman ay nakita rin ang suliranin, Ah ito ang solusyon!

Huwag mong iisipin ang problema,
isipin mo ang solusyon sa problema.

Aanhin mo pa ang mag tagumpay
kung masaya ka na sa yung buhay

Ang mahilig maglaro sa pagtago tago
ang larong maaaring maging piligroso

Mas magandang may kasamang parehas sa negosyo,
Kaysa mga empleyadong nagtratrabaho sa iyo.

Mga estudyante paka-iwasan habang nag-aaral ang tatlong L o B
kalalakihan:babae, barkada at bisyo; Kababaihan: lalaki, lakwatsa, landi

Hindi ba nakakahiya, paabre-abresyete ka,
estudyante ka pa lang at humihingi ng pera?

Huwag kang mag pakumbaba na parang tanga
at huwag maging ismarteng parang hambog ka

Sa Pilipinas iwasan mong tumingin sa kapuwa mo ng ilang segundo
Kung maaari huwag mo ng tingnan at kung tumingin ka bilisan mo

Ang karamihang kawalan ay hindi dahil sa pasyang malalaki
Kung hindi sa mga maraming pinag saka sakang munti munti

Hindi mo talaga kilala ang isang tao
Hanggang sa makita mong magalit ito

Kung sa una ay hindi ka nag tagumpay
ay siguro’y hindi mo pinaghuhusay

Ang tao ay nawawalan ng saysay tulad ng pako
kapag nawala sa direksyon ay nababalikoko

Ang karanasan ay yung katangahan
bago mo ito ginawa at nadaanan

Kung ikaw ay naghangad ng imposible
sinisira mo lang ang yung tino’t kukote

Ang pag-gawa ng tama ay may iba’t ibang paraan,
ngunit isa lang paraan kung papaano titingnan
Ito ay tingnan sa lubus na kabuuan

Hindi mo puwedeng ihati sa iba ang yung pagdadalamhati
Pero ang kaligayahan ay kailangan na may kasamang kahati

Ang mga guro sa buhay mong ginagalawan
magulang, paaralan, karanasan,at ang kalikasan

Sinong nagsabi sa iyo na patas ang mundo
sinasabi ko sa iyo walang patas patas dito.

ang maliliit mong sekreto ay nasasabi mo
pero madalas ang malaki ay tinatago sa puso

Walang katumbas kung magalit ito,
ang babaing inalipusta’t binigo.

Hoy Makinig Ka!

Huwag mung kasanayang damitin ang kahirapan
at ng mapalitan naman ang iyung kinasasaplutan

May matamis na ibubunga lahat ng walang kasiguruhan
basta may kaangkop itong kagustuhang maintindihan

Ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa
ay higit pa sa halagang kwarta

sapagkat hindi ito kayang tumbasan
ng ganitong kabayaran

Isa ka ngang malaking gago
Kung gustu mo’y sa argumento
ay laging manalo kaysa ikaw ay matuto

Ang pagiging batugan ay may sariling paraan,
para gamitin ang lahat ng oras na dumaraan,
madali, kanya lang tong sinasayang.

Huwag mong hayaan nga na hindi mo magawa
ang kaya mong magawa sa hindi mo kayang isagawa

Ang katontohang dalisay at masigasig na katangahan
ay ang mga pinakamalagim na bagay sa sang katauhan

Napakasakit pagmasdan ang pinagdurusahan
at malaman na ikaw mismo ang may kagagawan.

Kadalasan tayo ay nagtatalo sa anino,
hindi mismo ang pinanggalingan nito.

Napakadaling pumuna, pero ang isagawa ang mas maganda
ay napakahirap punan ng gawa ng bumabatikos na dila.

Kung sa puso mo ay pinagkakait ang munting regalo
Ang regalong ibibigay ay higit pa sa pagkatao mo.

Ang tagumpay ay puwede mo ring sukatin
Kung gaano kahaba ang iyung mga tiniis at tiisin

Ang buhay ay masalimuot at peligro
Doon sa mga taong umaabuso dito

Ang buhay mismo ay simple
tayo lang ang tumuturete

Kung sariling tadhana ay sinumpa man
ay dahil hindi mo rin ito naintindihan

Ang pinaka walang kakuwenta kwentang tagapayo
ay ang gusto mo lang marinig ang syang binibigay sa yo

Mga Basurang Tulad Mo: Gulagulanit Na Tadhana Ng Bata

May mga batang iniluwal ng magulang na para bang tinae lamang
Dahil sa mga tao na tulad nilang animalidad ang pinasaalang-alang
mga batang malaki ang tiyan nangagpapayatan mga laman ng lansangan
hindi lang iilan ang lawit ang mga pusod na animuy nangadudukwangan
amuy suka’t patis, amuy tulok, at tuyong pawis ang naghahalimuyakan
Mga buhok na nangagdidikitan na hitik sa kutong nangagsisipsipan
Mga hubad na paa hindi alintana ang mga ka-angutang inaapakan

Maraming musmus na hindi pinangarap na mabuo sa sinapupunan
Mga batang lumuwa na sa puerta ng ina tatlong buwan pa lamang
Mga durug na butiking katawang itinatapon sa madugong basurahan
Dahil sinungkit na sagaran nangalasag ang hiwahiwang katawan
Mga sanggol na buong buo na sa tiyan ng ina ay sapilitang kikitilan
nakapangingilabot na tingnan mga batang nilaglag ng mga magulang
Mabuti nga bang ganito kaysa mabuhay ng walang kinabukasan?

Sa isang tahanan ang anak na bata’y pinagsamantalahan ang katawan
Sarisaring pang-aabuso ang nakamtan, tinakot, sinaktan, sinisigawan
Ginagawang obrerong pagkakakitahan, at sa bahay naman ay utusan.
Walang pagmamahal na nararamdaman na yaon ang s’yang kailangan
minamaliit ang mumunting abilidad at pinakikitang mga katalinuhan
Puntulan ng sisi sa mga kasawiang sinapit ng kanyang mga magulang
at pagnagdilim ang mga paningin- sinasapak, sinisipa, at binabatukan

Mayroong mga anak busog sa layaw, mga magulang sunud sunuran
Puno sa materyal na bagay datapwat tamang disiplina ay kinalimutan
Sa paglaki ng anak lahat ay natikman, lahat ay nakukuha ng madalian
Hanggang lumaking impakto, walang pakialam kung may masasaktan
basta makuha ang ligayang pangsarili iyun lang ang pinahahalagahan
lumaki ng lumaki ang kawalanghiyaan, pinatay nya sariling magulang
Sa kasamaan ay naging talamak na tuluyan, naging kilabot ng bayan

Mayroon namang mga bata na di nakilala ang tunay na mga magulang
Inalagaang lubusan ng iba pinagpalang bata nalungkot nang malaman,
sa puso’y tumimo sidhing katigangan nang sya pala ay ampon lamang
mga pagmamahal na galing sa pusong kaibuturan ng mga nakagisnan

ay bakit ngayon ay hindi na sapat na sangkap sa kanyang kaligayahan
Sa isip at diwa nya tahimik na naghahanap, tila buhay nya’y nagkulang
Matapos magnilay sabay luhaang nagpapuri sa Maykapal sa kapalaran

May mga bata na tunay ang kabaitan at iba pang mainam na katangian
Inihutuk sa disiplina at pangaral at tamang ehemplo ng mga magulang
Pinalaking may takot sa Diyos at pagpapahalaga sa buong sangkatauhan
Bago niya desisyunan ang gagawi’y pinagiisipan bago niya isakatuparan
Lagi syang magalang, masigla at mapagdasal, masigasig sa pinag-aaralan
Malayo sa gulo’t bisyo, Hindi lumilisya sa katahimikan at tuwid na daan
Pinagpipitagan ng buong angkan, ng paaralan at ng buong sambayanan.

At may bata na naimpluwensyahan ng mga ligaw sa landas na kabataan
Sa kagustuhang bumagay at matanggap sa ganitong ungas na kaibigan
Uma-arteng siya ay sikat, ginagayang pilit ang makamundong katauhan
Lahat ng bisyu’y walang ngiming pinagtitikman hanggang sa malukuban
ng pagka-alipin sa mga bawal na gamot, imoralidad, at maling kapatiran
Salamat na lang at nang siya ay iniwan ng tinatawag nyang mga kaibigan
ay nalaman niyang napakalaking kahunghangan ang kanyang kapalaluan

Kinabukasan ng kabataa’y nakapatong sa mga kamay ng mga magulang
Ang pag-asa ng bayan ay hindi sa kabataan kung hindi sa mga nilalang
na may hawak ng mga batang nagsisilakihan na mamamayan ng lipunan
hindi sila ang kinabukasan kung ang bukas nila’y maitim pa sa kadiliman
Ang sukatang tunay ng kadakilaan at kabayanihan ng isang mamamayan
ay ang pagiging handa at tuwid na magulang sa mga anak na inaalagaan
Kung naitawid mo silang hawak mo sa isang maliwanag na kinabukasan

Maling pananaw ay buwagin at lansagin na nga ng bago nating kaisipan
huwag nating ipatong sa balikat ng kabataan ang bukas ng ating lipunan.
Ang bukas nga ay ngayon at ito ay paghandaan ng maging makabuluhan
at maging katotohanan na nga ang kabataan ang pag asa ng ating bayan
kung talagang isasakatuparan lahat ang pagiging tunay na mga magulang
isa alang alang ito ay ang pinaka sagradong obligasyun sa ating kapalaran
na hutuking ngang tunay ang supling sa tamang asal ayun sa kautusan

Scenery In Danba Valley
Dapat na mayrong tuwid na bisyon ang sang pinuno
Tulad ng kompas na sigurado kung saan patutungo

Ang problemang ating ngayo’y dinaranas
ay hindi malulutas sa parehong kaisipan
nang ito’y ating iniluwal sa kaganapan

Tayo ay kung anuman ang ating ginagawang pauli-ulit
Samakatwid ang kagandahang asal ay gawang di mawaglit
dahil sa paulit-ulit ito na nga ay nakadikit

Ipinunla mong iniisip, aanihin mong gagawin
mga gawang ipinunla, ugali ang mapapala
ipinunlang ugali, katauhan ay matatali
katauhang ipinunla, bunga ay iyo ring tadhana

Maaaring sabihin na ang kaligayahan
ay ang bunga ng iyong adhika’t kagustuhan
at ang kahandaan sa sakripisyong kabayaran
Na iyo ngayong sapilitang pinagtutustusan
para mapitas at malasahan bungang pinaghirapan
at makamit ng tuluyan ang malagong anihan

Ang pag-angat ay napaka-ubod ng hirap
pero pag nasa taas, galamay ng hirap
di ka na basta bastang mayayakap
Ang ibayong pagunlad, hindi na pangarap
dahil ito’ay nakaharap, madali ng malasap

Kung kaya mong ilarawan ng buong linaw ang kamalian ng iba
Ay dahil ikaw rin ay may parehong kamaliang tulad nila.

Kung hindi mo kaya na ang sarili ay ididisiplina
Siguradong gagawin ito para sa yo ng iba.

Ang libro ay isang napakagandang bagay
pero sa mangmang halos wala tong saysay

Maging mabilis makinig, linawan ang pandinig
subalit hinahong tunay sa paggamit ng bibig.

Ang magandang asal ng kahit sinong tao
ay sintido kumon na isinagawa sa wasto

Kung gusto mong maiwasan na walang taong mabuwisit sa yo
Unang una mong gagawin ay isara ang bunganga mo

wala ng ibang nakakabuwisit
sa taong pinag-aralan ay mas maliit
pero ang sintido kumun ay mas lintik

Gawing aral ang kasawian
kaysa ito gawing kapalaluan
sa ibayong pang katangahan

pinag-aralan na nasadlak
sa gumaganang utak
ay karunungang tumpak

Ang kawaisan na hangad mo ay mararating
hanggang hinahanap mo ito ng magaling

Kung tinititigang mapalis, ang oras mo’y tamad na umaalis
Kung ikaw ay nagtratrabahong makinis, ito ay sakdal na bibilis

Ang buhay natin ay parang nagkakalat at nagsantambak na detalye
Ayusin, walisin, itapon ang kalat, piliting gawing simpleng simple

Kung ninanais ang mabangong rosas
Ang tinik ay iwasan bago pumitas

Mag hanapbuhay, hindi lang para mabuhay
kung hindi magkaroon ng buhay

Sa linaw ng pahayag wala ng mas mabisa
sa sinalansan at inayos na piniling salita

ang kunsumisyon at pag-aalala sa mga baka mangyayari
ay walang idudulot kundi hina ng katawan at pagtatai

Ang taong kalyosohan ay sukdulan na
Kung minemenos lang syang basta basta.

Taong Epektibo

Ang Pananaw at Kaugalian ng Taong Epektibo
Iniisip nito na kaya nyang maging numero uno
Na ang lahat ng tao ay mahalaga dito sa mundo
Hindi s’ya marunung mang maliit ng kapwa tao
O manghusga man ng nilalang, o ng kahit sino
Hindi marunong masindak sa profesionalismo
at lalong lalo na sa mga taong lyoso’t hipokrito
O masilaw sa mga opisina o suot ng mga ito
Hindi ang mas mahalaga ay ang angking talino
Kundi ang pagsusumikap sa adhika at trabaho
Alam niya na ang sampung utos na para sa tao
at iba pa ay hindi kayang durugin ng kahit sino
Bagkus ang sanong suwail ang madudurog dito
Ginagalang nya ang pagkatao’t mga prinsipyo
Tulad ng parehas na laban, wag mangperwisyo
pagkapantaypantay, paglingkod ng buong puso
Integridad na walang lambot, sing tigas ng bato
Katapatan at buhay na matuwid, unat na diretso
Alam nya ang malagong pagyabong kung tutubo
ay kailangan ang pagpala’t pasensyang matino,
at ang patangkilik ng adhikaing tuwid at makatao
Alam nyang paniniwala ay mapa’t prinsipyo’y teritoryo
Handang mag-umpisa sa kahit anong trabhong matino
Ang tiwala sa sarili ay hinuhugut sa pagsusumamo
sa Panginoon na Buhay na tulungan siyang tumayo
Hindi humihindi sa mga taong tunay na bigo
pero sya rin ay humhindi kung kanyang natanto
Na hindi niya dapat sa taong to ay tumango.

Pagiging Una At Mga Una

Walang hihigit pa sa pagiging una
Ito ay aking nakita, noong akoy nag-iskwela
kapatid kong una ay laging nangunguna
ako naman ay huli na nang aking makuha
Sa gradong anim ako ay nag-umpisa
sa huling seksyon nito ako ay nanguna
ang pakiramdam ko’y bidang bida
Sa tagis ng talino nagsitumba sila
Pero walang wala para ikumpara
sa kapatid kong laging nangunguna.
Valedictorian pa nang sya’y natapos na.

Nang ako’y sa pamantasan nagpunta
hindi ako nanguna, sa akademika
pero ibang una, ang aking nakuha
dito ko nalaman pag-ibig na pula
lumilipad sa langit, subalit
minsan ay mabangis at mapanganib
ang humarang ay kinakabig
walang ngiming mangpapatid
marating lang ang iniibig
at maglasing lang sa kanyang titig.
at ang kanilang katawan at bisig
sa sine’y nagkadikit at hayok na napinid
mga labing maiinit, nagliliyab na pagibig
mabagsik, masayang malupit
Dahil sa pag-ibig doon ako naadik
sa masilab na dantay, sa mainit na halik
pag-aaral ko ay nag kalintiklintik
Iba nga pala ang unang pag-ibig.

Lansagin ang imperyalista at
ang ganid na diktadura
iyon ang laging binibida
ng mga estudyante at manggagawa
na kung saan ako’y kasama
at lahat lahat na ng masa ay nagkaisa
Sa daan isinisigaw ng buong sigla
ihinto na itong pandaraya ng iba
tama na itong mga parusa
tama na, hwag ng umasa pa
sa mga kasinungalingang retorika
ng mga pinunong mga buwaya
Ako ay nangunguna sa pakikibaka
doon sa lansangan ng Mendiola
Kinumprontang mga pulisya
mga alagad ng batas na nakatulala
mga seryoso ang mukha
mga may hawak na batuta
at pang-usok na pampaiyak ng mata
may baril sa mga baywang nila
nang bigla

Nang ako’y natapos na, hirap at dusa
ang siyang natikmang una
sa pakikibaka, unang una kong nakilala
labing siyam na daan at walongput lima
panahon ni Marcos na diktadura
panahong bansa’y nagkasagad sagad na
Hirap na pagdurusa, ang aking natama
apat na pung porsyento ang walang kita
pinangangalandakan ng mga aktibista.

Paghahanap ng trabaho’y di nakita
nalibot ko na ang buong Manila
maitim ang ulap, aking naalala pa
nang marating ko ang isang opisina
hinihingian ako ng ilang libong pera
para raw makapasok sa kanilang ahensya
ako’y pait na ngumiti, dinaan ko sa tawa
Saan ako kukuha ng ganitong halaga
Ang mga tulad nitong aking nakita
ang naglalahong kumpanya pag dumilim na

Nangunguna naman ako sa parusa
sa gutum nagkakainan sariling bituka
Sa kung sino sino ako nakikitira
sa hirap ng buhay ay kinuha
isang babaing magsasalba
ng gutum ko at ng pamilya
dahil sya mismo ang sumuporta
pati sa mga kapatid ko’t ina
kaya hindi ko kayang maghusga
ng kahit sino kahit mga puta,
dahil alam ko ang hirap nila.
Hindi pag-ibig ang mas mahalaga
kung hindi ang mabuhay pa
umaasang bukas ay mag-iiba
kapalarang walang kinikita
walang pera ay mabubura
may bukas ding may pag-asa

Kung babalikan ko ang alaala
matatantong walang duda
Hindi lang ang diktadura ang may sala
kung hindi ang buong bansang masa
Mga Pedro’t Juan na tatanga tanga
mga pabaya at mga ugaling saka na
hinayaang basta lumaki ang pasista
nag Batas Militar ay tutulug tulug pa
at nang magising, bansa’y kulelat na
Isa na lang basura sa Asya
ang masang lakas na pagkakaisa
ang syang nagpatunay na tayo’y may pag-asa
naibalik natin ang dangal ng ating demokrasya
nalansag natin ang diktadura
ngunit huwag sasabihing tayo ay may hustisya
kung sangkatutak na pinoy na nagugutum pa
Ay nakasadlak pa ring nagdurusa
magpunyagi’t wag hihintong gumawa
ng ikabubuti ng ating bansa
dapat tayo ay magka-isa
hindi lang sa demokrasya
kung hindi sa paggawa
ng mga industriya at paktorya
At kung anu’t ano pa
buong sigla na itaas ang ekonomiya.
iyan ngayon ang bagong punto de bista
Kaunalarang pangarap ay makukuha
Kung lahat tayo ay magkakaisa.

Buong kabataan ko ay nagdusa
pero ang pera ay hindi pala
ang landas para ikaw ay manguna
hindi rin talino o kung edukado ka
kung hindi dapat manguna
SA PAG-ASANG MAKASAMA
ANG DIYOS NA TUNAY NATING AMA
sa pag hingi ng tulong sa Kanya
at maging ma-utak sa pakikibaka
at lagi kang handa sa mga grasya
maging matatag at puno ng sigla

huwag pasisindak kahit ano pa
matapang na di mayabang ka
ang iyong ipakikita,
paghandaan lahat at isagawa
pagkatapos Diyos na ang bahala
Siya nga ay may awa
sa taong gumagawa.

Ang Maagap At Ang Masikap

Daig ng maagap ang masikap
mas malungkot na matanto
ang tamad na matalino
mas maigi pa tong mahina ang ulo

pero kung mag-aral ay todo-todo
at may direksyong ipunupunto
sa ginagalawan nya, dito sa mundo
Dahil ang mapurol ang noo

Pag nahasa rin naman to
ay higit pa sa tingga, ito ay asero
dahil sya ay maagap at seryoso
Siya rin ay tatalino

Ang intelehentong tao
ang mga tulad nito.
at tagumpay mismo
sa taong ganito

ang lumalapit dito
At kung maagap ka sa kabuhayan
Hindi magugutum buong tahanan
huwag bigyan kamalian diyan

na ang pagsusumikap ay iiwan
itong dalawang katangian
dapat na huwag kalimutan.
daig ng maagap ang masikap
Datapwat Kabayan

maging maagap at masikap
dalawa itong sangkap
upang maapuhap ang pangarap
at isa pa, sa Diyos ay yumakap

Kabataan Ngayon

O kabataan huwag mong kalilimutan
maging masaya sa iyong kasiglahan
Mga tamang kasayahan
na ikapupuri ng lipunan

huwag mo ring kalimutan
ang pagbati at pag galang
lalo na sa magulang
At higit sa lahat kabataan

Alalahanin mo rin naman
Ang Diyos ng sanlibutan
Ang Diyos ng sanlibutan
Ang Iyong Kaligtasan

Hindi mo kayang bilin o trabahuin
o kaya ay dalin sa panalangin
para ikaw ay sagipin
dito sa ating lupain

para itong langit iyong marating
o buhay na walang hanggan ay kamtin
Ang grasya at pagpasya’y sa Diyos pa rin
Kung ikaw nga ay kanyang kukunin din

Kabaitan mo ay huwag mong sabihin
paglilingkod ay iyong limutin
huwag pagyabang ang yong pangingilin
o dili kaya ay iyong mga tiisin

o sabihing ikaw ay kilalanin
na alagad ng laban sa dilim
huwag magtaka kung impyerno pa rin
ang iyong isang araw na marating

dahil ang puso mo ang magdidiin
Kasama ng tango ng Panginoon natin
hindi mo Siya kayang denggoy denggoyin
kaya ang buhay ay tunay na tuwirin

Hoy Makinig Ka

Ang salitang lumabas kahapon
ay baka bisitahin ka ngayon

Ang iyong nagawa ang alingawangaw ng sino ka man
ang dalo’y ng yong isip ang kaluluwa ng yong kaanimuhan
Ang resulusyon mo ang iyong tipon sa pangarap na kaganapan

Ang mga detalye at impormasyon ay kaalaman
Ang kaalaman at kaunawaan ay katalinuhan

Alam mong may pinag-aralan ka
Kung naintindihan mo ito at naalala

Hindi tunay na basihan
ang mataas na paaralan
O kahit anung pinag-aralan
Para basihan ang yung katauhan

Ang matino at matuwid na pagkatao
ay iyong ginagawa ang totoo
at iyong salita’y tinutupad mo

Huwag mong sabihing iyong susubukin
Bagkus gawin mo o huwag mong gawin

Ang pagiging mabuting pagkatao kaibigan
ay nakaangkla sayong maayos na kaugalian

Kung hindi mo iisiping ikaw nga ay masaya
Ang magiging kasiping mo’y lungkot at dusa

Hindi lahat ng sa buhay katotohanan ang gagamitin
Minsan ay may saysay kung ikaw ay magsisinungaling
Alamin mo lang gamitin sa magaling at ng di mapaling

Ang buhay ay isang trahedya kung iyong dadamdamin
ito naman ay katawanan kung iyong aarukin at iisipin.

Takot ay lumalamat kung hindi mo isisiwalat
Kung iyong isisiwalat takot ay mawawarat

Responsibilidad nga ay sadyang mabigat
kung hindi tamang nakalapat at nakakalat.

Ang pinakamalusug mong magagawa
ay maging masayang masigla
at maging masiglang masaya

Ang walang pasensya ay kaunti ang ligaya
sindaklot ang saya kung may tira pa
Kung ganito ka , kay laki mong tanga

Hindi ang tanong kung paano ka makakalaya na
Ang dapat itanong ay anong gagawin mo nga ba

Magtiwala ka sa sarili lamang at wala sayong manlilinlang
Datapwat ang isang walang katiwatiwala ay pareho lang
sa isang taong puro tiwala na lamang sa lahat na nilalang

Huwag kang manangis at mainis
Gumising ka’t ikaw ay maglinis at magpawis
na matupad ang iyong adhika’t panaginip,
sa higaan mo ikaw ay tumindig at umalis

Ang mundo ay pinalulukuban at pinaghaharian ng emosyon.
At ang dalawang pinaka-kahinaan ng lahat lahat na lipon
ay ang hilig sa laman na kamunduhan at ang paglamon

Ang sino man na hindi nagkamali
ay ang taong batugang sawi

Napakalalim at napakalawak ng dagat
dahil batis man ay tuloy na tinatanggap

Magandang maging maalam at mas wais
Pero hwag mong sabihin to kahit padaplis

Ang pinakamahalaga sayong talumpati
ay yong mga paghintong pakonti konti.

Ang tuwid na pagkatao ay hindi regalo
ito ay dapat pagpawisang isabuhay mo.

Kung masaya ka sa trabaho, buhay ay mabango
kung inis ka naman dito, buhay ay magagago

Mas higit dalisay na ikaw ay mamatay
na ang mga paa mo ay nakatindig
kaysa ikaw nga dyan ay buhay
nakaluhud naman sa manlulupig

Ang daloy at takbo ng iyong utak ay supilin
Ito ay paka-suriin ng hindi ka nito maalipin
Ang takbo ng isip mo ay hwag pabayaan
Sa pagsupil dito ikaw ang may kalayaan

Kung lalasapin mo na ang tagumpay sa iyong isipan
Kaganapan mangyayaring totohanan

Kung hindi mo alam ang daan sa buhay na pupuntahan
Si Kamatayan ang magbibigay daang kahahantungan

Ang kalayaan ay ang pagka-alam ng mga gagawin
at ang kapasidad na kung ano ang pipiliin

Hindi mga araw sa ala-ala ang nananatili
Kung hindi ang mga mumunting sandali

Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika
ay masahol pa sa mabaho at malansang isda
ika nga, ngunit mas higit na malansa
kung pabigat ka at sa higa nagpapasasa
sa bahong hininga nakabibitak na
ng tino at saya, mahihilo ka pa
sa ganitong tao ay takbo na iwasan siya
kahit anung salita galing sa yung bunganga
kung pilipino ang puso mo, pilipino ka
at nagsusumikap na umunlad ka
ang iyung bayan at ang iyung pamilya
Pangalang Pilipinas hindi mo ikinahihiya
Ganittong Pilipino o Pilipina
Ang pinagpipitagan ng ating bansa

O Pagibig kung pumasok sa puso ninuman
hahamakin lahat masunod ka lamang
Siguraduhin mo lang di libog yan
Dahil kagaguhan yan at sadyang sayang na sayang
kung matanto mong si Balagtas
ay may sariling antas at hindi ka papatas

Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan
ay hindi makakapunta sa paroroonan
ngunit huwag kang tingin ng tingin
baka bumangga ka sa iyung dadaanin

Sa lupang ating ginagalawan
ay huwag kang magyabang
paka-arukin mo’t isipin ito
na tayong lahat dito sa mundo
na ang pinakamagaling na tao
ay kasing inam lamang
ng napakaduming basahan

Ang pagtanggap na mahusay sa sariling katotohanan
ang unang hakbang sa daan ng kaligayahan

Ang kagaguhang katangahan at biglabiglang galit
Hindi lang may kaugnayan, ito ay magkapatid
O kabayan, makinig ka at huwag ka ng hihirit
Hindi mo lang to balakid ito’y sayo’y nakakabit
Isipin paano alisin tong sakit kaysa sa aki’y magalit

Maaaring patawarin ang taong pumatay na binulag ng ngitngit
Huwag patawarin ang isang taong pumatay ng walang galit
maliban lang kung hindi sinadya o kaya ay pinilit ng malulupit

Ang katotohanan ay diretso at simpleng-simple lamang
ganoon din naman ang mga pinakamagagaling na nilalang

Ang taong maraming pinangako
marami ring pangakong ipapako

Walang paktorya o kalalkalan o gusaling paaralan
Ang nagmamay ari ng karunungan at kaalaman

Kung inisip mong kaya mo, kaya mo nga.
Kung iniisip mong di mo kaya, mag-isip ka.

Kung inisip mong alam mo na ang lahat lahat
Dito ka nagsimulang maging tunay na tunggak

Hindi sa hanapbuhay tayo nagkakagatla
Kung hindi ang pag-iisip at pag-alala

Ikaw ay pinagpipitagan hindi sa binigay sa yo
Kundi sa mga nagawa at naibigay mo

Lugar Mo Bayan, Lugar Mo Ba Yan

May mga taong magaling lang ang dila, salita ng salita
wala namang nagagawa, nahihilo sa diwa at adhika
na puro panaginip lang, bukas ang mata nang ginawa
Tatayo kung may makakain ang panis na bunganga.

Nakaugalian na nya ang ibilad ang tamad na katawan
Siya ay tatambay at maninigarilyo sa labas ng tahanan.
O dili kaya ay uupo sa tarangkahan para magkwentuhan
sa kapuwa batugan, hanggang umabot sa mga chismisan

Nagkukumpulan na parang langaw sa maduming daanan
Umaalingawngaw ang mga kahambugan sa mga bidahan
Walang pakialam sa bahong umaalingasaw na kapaligiran
Bangaw na matakaw at basurang nagkalat nagdadamihan

Mga batang aba na may berdeng sipon, singot ng singutan
Nagdudungisan, takbuhan ng takbuhan, hiyawan ng hiyawan
Mga butete at humpak na tiyan, walang saplot na katawan
Mga walang pakialam sa kalunos lunos na kahirapan

Sa impis na mukhang kawawa man ngiti ay mababaanagan
sa kabila ng tawana’y mapagmamasdan ang kahikahusan
Ngunit purong kasayahan at aliw sa kanila’y nagalilitawan
Walang pakialam sa anumang mangyayaring kinabukasan

Samantalang tuloy ang ingay at walang saysay na huntahan
ng mga batugan na nagsipag pasyang magsipag- utangan
sa tindahan para magsipag- inuman at ituloy ang kumpulan
Sa lasing nahantong, nagsuka, napikon, nabato, at nagsaksakan

Nagkahimasmasan din sa lasing kinabukasan si Pedro’t si Juan
Kanilang awayan at saksakan tampol ng dilang nagkakatihan
May nagsabing patay na si Pedro, at iba naman ay tong si Juan
Ang totoo’y nagkadaplisan lamang at ngayon ay tulog na naman

Nagugutom na mga musmus na bata, inang kinukusot ang labada
Para matapos at ang upa ay makuha na pambili ng kakainin nila.
Nang gumising kang tao ka ay hiya hiya pa sa kanila’y magpakita
Alam mong wala kang ginagawa di dahil wala ka talagang magawa

Ganito na lang ba, bayan?

Panaginip at daldal,
ang ating kinakamal.
Kaysa sa may kapal,
tayo ay magdasal,
sa ating buhay,
na nawalan ng kulay,
at hirap na tunay,
na lumalagatay,
ang syang naghahari.
Hirap ay di pumili
sa iyo, hinding hindi.
Ikaw ang pipili,
ng klaseng bukas,
sa iyong landas,
na pagtaas,
at ng iyong wakas.

Ang sinasabi ng iba,
kung oras mo - oras mo na.
Kahit maingat ka.
o magtago ka pa,
buhay na takda,
ay yong tadhana.
Pero huwag kang tatanga-tanga,
ituloy ang ingat sa sakuna,
sa sakit o disgrasya,
dahil hindi mo pa oras,
ikaw ay mauutas
kung ang ulo mo ay may butas,
at ikaw nga ay uungas-ungas.

Ang pagpapalaki ng anak
ay isang parang pilak
na ang Diyos ang nagpahawak
na dapat mong dibdibin
na kipkipan ng dalangin
at tamang pagtingin
sa anak mong kapiling
takot sa Diyos paitindihin
palakihin mong may disiplina
subalit bilang ama o ina
huwag ka lang palo ng palo
ipaliwanag bakit sya napalo
Ang tuwid ay ituro
mag-iingat kang pagbuhatan
ng kamay para saktan
O matakot sayo na magulang
o paghaharian ng walang dahilan
Wag na wag mong pababayaan
lumayo sa iyo
ang puso nito
panahon ay ibigay mo
pilitin mong maging ehemplo
ng iyong tuwid na itinuturo
ng ito’y tumimo sa puso
at ng mabuhay ng matino

Dahil mas madaling magsalita
kaysa isagawa ang tamang halimbawa
Maging gabay ka, tumawa ka
paligayahin sila
at ang isa pa
hayaan mo silang maghirap
sa pagsusumikap
hayaan mo silang sumingap singap
Habang ika’y kaharap
habang ito’y nagaganap
kaysa kung wala ka na dito
sa mundo
doon mangyayari ito.
Ibibigay mo lang ang tulong mo
sa tamang pagkakataon,
sa tamang panahon
kung sa paglangoy
ay di na nga makaahon
ng sa ganoon mapatuto
ng magkabuto
na lumaking may gulugud
na iyong ikalulugud
magkaroon ng tunay na paa
kamay, puso, noo at mata.

Huwag mo lang sila
na bigyan ng buhay
Bigyan mo rin sila
ng kaluluwa,
kaya kayong nag-iisa pa
at walang pamilya
ay maghunus dili na
Isang malaking krimin at kasalanan
at malaking kamalian at kahibangan
at kababuyan kung ang pagiging magulang
ay di tunay na gagampanan.

Kung hindi mo kayang maging magulang
ay wag mo na lamang tulad mo ay dagdagan.
Huwag kang kikitil ng buhay
ngunit mas higit na tunay
na huwag ka ng mandamay

Sa pag-aaral ng mga anak
ipakita mong ika’y nagagalak.
bigyan sila ng binhi ng pagsusumikap
sa pamamagitan ng pangaral na ganap
na makamit ang pangarap ng ubud liwanag
Bigyan sila ng gabay higpit sa hawak
Ituro ang daan na dapat na itahak
at huwag hayaang lumisya sa pagtahak

Ano Ba Yan!

Ano ba yan, ano ba yan?
napakausok na ang mga daan.
Tayo ngayo’y nababalutan
malagkit na pawis sa katawan,
at ng sulpuro’t alkitran,
kulangot na naghahabaan
ay maitim pa sa kadiliman.

Ano bayan, ano ba?
Hanggang ganito
na lang ba?
Wala ba talaga
tayong ibubuga?
Hindi ba
nating kaya?
Na itaas ang ating
eknomiya.

Ano ba yan, ano ba yan.
Nasungkit ng kahinaan,
ang asawang naiwan,
dito sa ating bayan
ang pareng naiwan
o kaya naman
si kumareng kaybigan
ang dumarang
sa asawang naiwan
hayun nagkatuksuhan
at nagkayarian
kung hindi sa higaan
doon pa sa motel na saglitan
nagpasasa ng init ng katawan
hanggang nagpulanditan
gatas ng kalibugan
hanggang magkabukingan
at masira ang tahanan
kawawang mga anak
kipit bibig nangag-iiyak
tahimik sa tinik
na tinitiis sa dibdib
hangang sa sumiklab at napunit
sa muhi at galit
sila ay naghimagsik
sakit ulo ay hinasik
sa mga magulang na buwisit
binuhus ang ngitngit
laking kahihiyan man
kani-kanilang pingatawanan
lahat ay nagsambulatan
walang kinahantungan
ang pangarap na dapat
sanang matupad
para sa kanilang mag-anak
ay nawala na lang sukat
bagkus nagkawatakwatak
lahat ng anak kalat kalat
Dahil ang asawang nagulat
kab’yak na nagsumikap,
nagtitiis sa hirap’
at kalungkutan,
sa bayang dayuhan.
ay kanya naring kinalimutan
Pumutok ang kalasingan,
tuksong nilukuban
sa ibang kandungan,
ng pita ng laman.
Katwiran ng gagong magulang
una-unahan lang yan
talagang iyan ang patutunghan
ng ating kahinaan sa laman
kapag nagkalayo ng matagalan

Tulad ng buhay mo,
ang daang baku-bako,
na malinaw na anino,
ng mga sasakyang karo,
na nagsisiksikan,
sa bulokbulok na daan.
Hiningang humihigpit,
pusong naninikip,
ikaw nga ay naiipit,
nagsusumiksik na pilit,
maiupo man lang kahit,
isang pisnging puwit.

Naghalohalong pawis
iyo nga ay tinitiis
hindi alintana ang amoy
ng mga sari saring pinoy
may pabangong humahalimuyak
may amoy paligung namumukadkad
mayroon namang makamandag
amoy anghit, may amoy bayag
may amoy dagang lumalagapak
May sadyang nanghahawak
nang gagapang na mga manyak
may mga sigang naninindak
na nanakawan kang patadyak
matapos ubusin ang mga perang hawak
mangagmumurang umiindak
umiskapong mga bayawak
sa bilis tila may pakpak
at bago tuluyang may umiyak
maririnig pa ang mga halakhak
ng mga lintyak na amoy alak
sa mga nakaw ay nangagagalak.

Ano ba yan Ano bayan?
May mga magkasintahan
na nasa saksakyan
lampungan ng lampungan
Pa-cute, pa epek, papormahan
at kung sila ay magkapaan
tila mga naghahanapan
ng parteng katawang nangagwawalaan.
At kung magtitigan ay parang pukyutan,
at kung magsundutan at maglapirutan
makikitang mga nangalilibugan,
at kung maghalikan
daig pa ang pornong larawan
Ano kaya ang sasabihin ni inang
sa anak na pinuhunan,
mahigpit na sinabihan
na magsigasig sa pinag-aaralan
ng makatulong sa kabuhayan
at ng gumanda ang kapalaran
hayun at sa dyip pa lang
ay isinawalang alang
payo ng magulang
mga estudyanteng nangahihibang.

Ano ba yan, Ano ba yan?
Araw-araw ay ganyan
ang kasaysayan ng mamamayan
dito sa ating bayan
Ikaw na walang pangalan,
sa pampasaherong sasakyan,
sinardinas ba tayong pilitan,
ng ating kakayahan?

Ano bayan, ano ba to?
Kuntento ka na lang bang
sa tabo at drum mangaligo
at maglinis ng baho
hanggang yerong bulok na lang
ang ating kalalagyan
amuy tae at kalawang
nang lilimahid sa ulan
hindi lang ang ating katawan
o bahay kundi ang buong bayan
gumising ka Pedro at Juan
Gumawa ng paraan
wag tulog ng tulog lang
o makuntento na lamang
sa panis nating kalagayan
humakbang , gumawa ng paraan
ano pa ang katuturan
ng ating karunungan
at ng ating pinag-aralan
kung hanggang dito na lang
ang ating kasasalpakan
dugyut na mga daan
parang basurahan
butas butas na sagaran
na-iipit na mga daluyan
ng walang humpay na ulan
ang panandalian kaligayahan
ang inuumpisahan
shabu, sinehan,
megamalls, motel, masahian
inuman, kabaret, at mga sugalan
dakdakan, kayabangan
diyan tayo mayaman
pedrong panaginip nga naman
at juang tamad sa totoo lang
iyan nga ba ang pangalan
nakadikit sa ating bayan
Hoy, Wag ng magmaangmaangan
sagad buto na ang ating karamdaman
gagawa ka na ba ng paraang
umiba naman ang takbo ng kasaysayan
ng ating amuy panis na bayan?

Ganon bayan, ganito ba yan,
sa tulad mong mahirap,
na nagsusumikap?
Hanggang kailan matutupad,
na makamtan,
ang mga panaginip na matiwasay,
na may maayos na buhay,
na may sariling bahay,
Balintataw na’to nga’y,
tuluyang bang maluluray?

Hindi kaya Pilipino,
malaki ang sakit mo?
Ako, Ikaw, tayo nga mismo.
ay may kaugalian laban sa kaunlaran.
Hindi angkop ang inaasal
sa katotohanan.
Na ayaw nating iwan,
mga Pedrong panaginip,
na nagtatawanan.
At mga Juan na hindi man,
tamad ay walang utak.
Sa buhay na itatahak,
ay walang malinaw na daan,
kung saan ang dapat,
na paroroonan.

Ano bayan, ika’y makinig!
Marunong at matinik,
para kumita subalit,
Sa paghawak ng salapi,
daig pa ang paslit.

Kung maka-ipon,
ay para lang maitapon,
sa hilig ng katawan,
at ng kayabangan.
Kung hindi man,
drogang gastusan,
sa utog yan,
tayo ay gahaman.
Kaya nanigas
pati katinuan,
tumigas,
pati kalooban.
Buhay ay tuluyan,
ng nangalagas.

Ano Ba yan, Bayan kong irog?
Kung ikaw ay sa masidhing libog,
nag kalubog lubog,
wag munang idamay,
na mapasakamay,
ang disgrasyang pagbuntis,
ng iyong sintang inis.
Ng di na lumubha,
ang pagdukha,
ng yung buhay,
na walang saysay.
Huwag munang idamay,
ang batang magagawa,
dahil ito lang ay kawawa.
Kaya iwasang pilit,
tamod mo’y kumapit,
sa matris ng yung sinta o kabit.
Dahil mapapahamak din lang,
ang sanggol na isisilang,
sa kahirapan.
Pati na ang buong bansa,
ay magkakapasapasa,
sa patong patong na palamunin.
Hindi naman kaya natin,
dadami lang ang krimin,
dahil sa mga katulad n’yong,
mga damuho at mga gago,
bansa’y nagkakagulogulo.
Higit na kasalanan,
kung iyong pababayaan,
kung sila’y sinilang,
na magiging tulad lang,
ng bata sa lansangan:
Mahilig sa droga,
na kanya ring binebenta.
Walang edukasyon,
Tambay buong maghapon
kampon ng maton.
Baka maging puta pa,
dahil sa hanap na pera,
o isang rebeldeng barumbadong
mamatay tao,
naghihimagsik,
at naghahasik,
ng kilabot,
na kanyang nadampot,
sa kanyang poot.
Dahil ang paghihikahos,
ang lahat ang nagdulot,
ng kasamaan dito sa bayan.
Sadyang napakahirap,
kung ito’y may magaganap,
na maging mabuting mamamayan,
at maging mabuting tao,
kung gutum mo’y sagad buto.

Ano ba yan, ano ba yan.
Bulok na bahay,
naguumapaw sa inuman.
Sa mumunting kumpuni,
hindi makabili.
Pero sa resto, disco,
sine at biglang liko,
Tumutungo,
perang libo libo.
malabo, malabong malabo
kung tayo ay ganito
hindi matututo
sa tamang wasto
Pinoy ito nga ba’y totoo?

Pamilya at kabuhayan mo,
ay nagkalokoloko.
Mga anak, kapatid, apo,
na walang baon ni piso,
ay nangangayantot,
sa pamamaluktot,
na tanging laman,
ng buteteng tiyan,
ay masaganang utot.
Na ikaw sa utot,
ay higit pang maangot,
dahil ikaw na ma-utog,
ang sanhing nagdulot.

Ano bayan, ano ba!
Tinapon ang munting kinita,
sa mga walang kuwenta,
mga bagay na,
magbibigay nga ba,
ng pusong masaya?
Ayaw magkasya,
sa iyong makakaya,
mga pangunahing kailangan,
ay kinakalimutan,
Nauubos ang pinagkitahan,
sa luhong katangahan.
Ginagastos sa mga bagong uso,
at mga modelo,
masabi lang sa iyo,
ang galing mo,
ng mga tao,
na mga inggitero
na mga bolero,
mga taong hipokrito,
na tulad mo.
At sa mga puso nito,
ay lumilibak sa ‘yo.

Ano bayan, ano at bakit!?
Bakit ayaw mong mag-isip?

Buhay ay nakaipit,
at tila nakapinid,
sa kwadradong kaisipan,
kinalakhan, at kaugalian.
Wala ka bang talino,
upang intindihin mo,
kung bakit nag kaganito.
At kung saan at papano,
makaalpas omakatakas,
sa kinalalagyang rehas.

Ano bayan? Ano ba yan!
Mga lulungi sa dagat dagatan.
Mga talangka sa mga daan.
Kapit tukong lumalaban.
Talangkang nagtatalangkaan.
Mga talinong sinasayang,
sa mga banyagang kalakalan.
Mga lakas na hinihiga lang,
nabubuhay na pasayang.
Oh!, gising na Pedro at Juan,
ang maling kaugalian,
umpisahang labanan!

Tuesday, December 1, 2009

Saan ka Pupunta?

O bayan kong sawi saan ka pupunta
di pa ba sapat ang ating kinita
o kaya'y ang ating napala
di ba hirap at pakunwaring saya

Isipin mo ang panahong nagunaw
tingnan mo ang naganap, ito ba ay may linaw
bagkus naiwan tayo at sobrang nauhaw
sating pamilya, tayo'y tila pumanaw

Malungkot ang kasawiang tahimik
akala natin nakamtan na ang daigdig
dahil kumakain tayo ng sobrang tigib
at sa mga materyal na bagay di na tayo sabik

Marangya ang pamumuhay at mapera
tingnan mo ang sarili kung ika'y pumorma
daig mo pa ang nagkukunwaring artista
tumubo'y yabang na walang kwenta

Nakakaawa tayo sa totoo lang kaibigan
marami ng bansa ang umangat sa kaunlaran
subalit tayo ano ang naratnan
kundi bilang alipin ng banyagang bayan

Mga pinoy gumising na pati ang Tsina
dumilat na ang pikit nilang mga mata
o kay sarap magpagal kasama ang pamilya
at ang pawis tumutulo sa sariling lupa

Mga kasama lahing winasak ng iba
wag nating hayaan na tayo mismo ang gumiba
ng pag-asenso at tamang adhika -
magpakumbaba hayaang mamuno ang isa

Kakayahang ipakita ang pagiging makabansa
di sa kwarta o lakas ng puwersa
ang puno natin dapat ay dakila
matalino, maka-Diyos at tamang magpasya

magiging bayani kang tunay
kung di ka na magiging patangay
sa mga nanggugulo lamang at nag-iingay
kundi kung iayos natin ang bayan at buhay

Wala ng talangkaan, trayduran
higit sa lahat ang inggitan at patayan
para tayong mga hayup sa kagubatan
kung patuloy tayong magwawasakan.

Gumising ka o aking bayan, hanapin ang daan
tungo sa pambansang kaunalaran
ibalik ang pagsamba sa isang maykapal
ayon sa Bibliya di sa nakagisnan

Gumising ka o aking bayan, saan ka pupunta
kundi dito sating bayan wala ng iba
sana may isang mamuno ng tunay, at tama
na ang lahat ay para sa lahat ng ama't ina

bumalik ka at ibalik ang bayanihan
ang magandang asal at kalinisan
tayo ay masipag at may kinabukasan
alisin na ang bumabalot sa ating kasamaan

magsisi ka kung tayo ay pupunta
sa liwanag at bagong pag asa
na may tunay na resulta sa adhika
na ating isakakatuparan ngayon na!

BAYAN KONG API

Dahil sa kakulangan
isa na ko sa lumisan
dahil walang mapagtrabahuan
dito sa ating bayan
at kung ikaw man
ay may pagkakakitahan
kay tikoy naman ng bayaran

Ang bayan kong iniwan
puno ng sinehan,
Kahit bukas ay walang kainan
basta maaliw ng sandalian
uubusin ang mumunting kayamanan
limampung piso lang naman
Halimbawa lang yan
ng ating pinahahalagahan
Bat ganito tayo bayan
Saan ang ating patutunguhan?

Mindanao na dinudurog
ng bawat isa,
Pinagsabug-sabug
ng adhika,
pinupupug
ng muhi’t dalita.
Impit hiyaw sa hirap.
pano di ka iiyak
ginagawang kalakal
ang mangkidnap
Ang negosyong nagaganap
dito sa bayan ng kahirapan
ay putok at kay inam
dahil sa kainaman
pinalawak pa ang kalakalan
Humayo sa iba dahil kulang
ang huli na makakamtan
dito sa ating bayan
mga negosyanteng mamamayan
dumayo pa sa ibang makukuhanan
Dati rati pinoy lamang
o inchik dito sa lipunan
ang pinupuhunan
ngayon ay may german
franse, at amerikan
may taong galing sa finland
pati na rin ang malaysian
para maiba naman
at hindi lang yan
produktong ibang bayan
mas mahal ang singilan
Turismo ay kuminang
sa board and lodging pa lamang
nangamula na ang mga hasang
ng kapatid nating matatapang
Mga batang nasa paaralan
nakatulong din sa pagkakakitahan
may mga naglarong nagtaguan
taguan ng taguan
mayroon pang larong pinugutan
para naman ang pamahalaan
sila ay pag-ukulan
ng usapang masisinsinan
at bilisan na ang bayaran
o ang katapusan sa kuwentuhan
pera lang naman ang kailangan

Mahirap isipin kung saan ka nanggaling
sa nahong ang hirap ang kapiling
nakaka iba dahil mata’y naduduling
sa paghanap na sandakot na kanin
Ibig sabihin walang makain
dahil si ama ni walang trabaho
dahil siya ay natanto
na isang kawatero
mga bibigay sa mga tao
ng estados unido
ay bininta ng libolibo

Ang Visaya maraming bida
May Ilonggo, at mayroong Cebuano
May waray at taga Boholeno
Di rin patatalo ang mga Bicolano
Samo’t saring talino
ang iyong ma-eeng kuwentro
datapwat kung aarukin mo
pareho pareho lang lahat tayo
tayong lahat ay Pilipino
kaya iisa lang ang gulo
tayo ay may sentimyento
na taga dyan at taga dito
kanya kanya tayo tayo
pero ang lahat asal Juan at Pedro

At ang Luzong ito,
pugad ng nakalbo
sa totoo na prinsipyo
Mga buwayang aso
na humihigop ng dugo
nitong kapwa tao
Pinaggagancho
kapwa Pilipino
sa kapirasong
dinaryo

May presidente tayo
na manloloko
ubud ng bolero
para raw sa obrero
mahihirap na tao
ang kanyang liderato
at gobyerno
itutuon ang maneho
tungo sa mga proyekto
sa kapuspalad na tao
E bakit nga ba ninyo
ibinoto ang lasenggo
at babaero
ayan at ang totoo
lumabas ng todo
siya’y manggagantso
hari pa ng sugalero
dambuhalang kawatero.
Tulad ni makoy mo

Tingnan mo ang bansang to
watakwatak na nga ang lupa
bitak bitak na nga ang mga pulo
pati pa ba ang ating dila
mga nakalilitong salita
ay pumaiilalim sa pagkatao
na may sarisariling diwa
na hiwahiwang natanto
na may utak Visaya
Tagalog at Ilocano
iba’t ibang diyalekta
ako’y nalilito.

Hindi umunlad-unlad noon pa
dahil sa mga samot saring walanghiya
Kailan nga ba
tayo hihinga
ng ligaya
ng tunay na pag-asa?

Magtulungan, tayong lahat
Kaapiha’y ikulong
Manumbalik sa Maykapal
Tumulong sa pagsulong.
Tulungan ang sarili
at magmalasakit
Kundi’y pait ay maninikit.
sa atin ay tuluyang kakapit

Kung di ikaw at ako
ay sino
ang magpapaka
Pilipino?
Kapatid mahal mo ba
ang bansa mo?
Dahil kung hindi magbabago
ang anak mo at anak ko
baka ikahiya ang pagkapilipino
Sino nga ba ang gustong
maging Pilipino
pag ganito ng ganito.