
Daig ng maagap ang masikap
mas malungkot na matanto
ang tamad na matalino
mas maigi pa tong mahina ang ulo
pero kung mag-aral ay todo-todo
at may direksyong ipunupunto
sa ginagalawan nya, dito sa mundo
Dahil ang mapurol ang noo
Pag nahasa rin naman to
ay higit pa sa tingga, ito ay asero
dahil sya ay maagap at seryoso
Siya rin ay tatalino
Ang intelehentong tao
ang mga tulad nito.
at tagumpay mismo
sa taong ganito
ang lumalapit dito
At kung maagap ka sa kabuhayan
Hindi magugutum buong tahanan
huwag bigyan kamalian diyan
na ang pagsusumikap ay iiwan
itong dalawang katangian
dapat na huwag kalimutan.
daig ng maagap ang masikap
Datapwat Kabayan
maging maagap at masikap
dalawa itong sangkap
upang maapuhap ang pangarap
at isa pa, sa Diyos ay yumakap
No comments:
Post a Comment