Wednesday, December 2, 2009

Ano Ba Yan!



Ano ba yan, ano ba yan?
napakausok na ang mga daan.
Tayo ngayo’y nababalutan
malagkit na pawis sa katawan,
at ng sulpuro’t alkitran,
kulangot na naghahabaan
ay maitim pa sa kadiliman.


Ano bayan, ano ba?
Hanggang ganito
na lang ba?
Wala ba talaga
tayong ibubuga?
Hindi ba
nating kaya?
Na itaas ang ating
eknomiya.

Ano ba yan, ano ba yan.
Nasungkit ng kahinaan,
ang asawang naiwan,
dito sa ating bayan
ang pareng naiwan
o kaya naman
si kumareng kaybigan
ang dumarang
sa asawang naiwan
hayun nagkatuksuhan
at nagkayarian
kung hindi sa higaan
doon pa sa motel na saglitan
nagpasasa ng init ng katawan
hanggang nagpulanditan
gatas ng kalibugan
hanggang magkabukingan
at masira ang tahanan
kawawang mga anak
kipit bibig nangag-iiyak
tahimik sa tinik
na tinitiis sa dibdib
hangang sa sumiklab at napunit
sa muhi at galit
sila ay naghimagsik
sakit ulo ay hinasik
sa mga magulang na buwisit
binuhus ang ngitngit
laking kahihiyan man
kani-kanilang pingatawanan
lahat ay nagsambulatan
walang kinahantungan
ang pangarap na dapat
sanang matupad
para sa kanilang mag-anak
ay nawala na lang sukat
bagkus nagkawatakwatak
lahat ng anak kalat kalat
Dahil ang asawang nagulat
kab’yak na nagsumikap,
nagtitiis sa hirap’
at kalungkutan,
sa bayang dayuhan.
ay kanya naring kinalimutan
Pumutok ang kalasingan,
tuksong nilukuban
sa ibang kandungan,
ng pita ng laman.
Katwiran ng gagong magulang
una-unahan lang yan
talagang iyan ang patutunghan
ng ating kahinaan sa laman
kapag nagkalayo ng matagalan

Tulad ng buhay mo,
ang daang baku-bako,
na malinaw na anino,
ng mga sasakyang karo,
na nagsisiksikan,
sa bulokbulok na daan.
Hiningang humihigpit,
pusong naninikip,
ikaw nga ay naiipit,
nagsusumiksik na pilit,
maiupo man lang kahit,
isang pisnging puwit.

Naghalohalong pawis
iyo nga ay tinitiis
hindi alintana ang amoy
ng mga sari saring pinoy
may pabangong humahalimuyak
may amoy paligung namumukadkad
mayroon namang makamandag
amoy anghit, may amoy bayag
may amoy dagang lumalagapak
May sadyang nanghahawak
nang gagapang na mga manyak
may mga sigang naninindak
na nanakawan kang patadyak
matapos ubusin ang mga perang hawak
mangagmumurang umiindak
umiskapong mga bayawak
sa bilis tila may pakpak
at bago tuluyang may umiyak
maririnig pa ang mga halakhak
ng mga lintyak na amoy alak
sa mga nakaw ay nangagagalak.

Ano ba yan Ano bayan?
May mga magkasintahan
na nasa saksakyan
lampungan ng lampungan
Pa-cute, pa epek, papormahan
at kung sila ay magkapaan
tila mga naghahanapan
ng parteng katawang nangagwawalaan.
At kung magtitigan ay parang pukyutan,
at kung magsundutan at maglapirutan
makikitang mga nangalilibugan,
at kung maghalikan
daig pa ang pornong larawan
Ano kaya ang sasabihin ni inang
sa anak na pinuhunan,
mahigpit na sinabihan
na magsigasig sa pinag-aaralan
ng makatulong sa kabuhayan
at ng gumanda ang kapalaran
hayun at sa dyip pa lang
ay isinawalang alang
payo ng magulang
mga estudyanteng nangahihibang.

Ano ba yan, Ano ba yan?
Araw-araw ay ganyan
ang kasaysayan ng mamamayan
dito sa ating bayan
Ikaw na walang pangalan,
sa pampasaherong sasakyan,
sinardinas ba tayong pilitan,
ng ating kakayahan?

Ano bayan, ano ba to?
Kuntento ka na lang bang
sa tabo at drum mangaligo
at maglinis ng baho
hanggang yerong bulok na lang
ang ating kalalagyan
amuy tae at kalawang
nang lilimahid sa ulan
hindi lang ang ating katawan
o bahay kundi ang buong bayan
gumising ka Pedro at Juan
Gumawa ng paraan
wag tulog ng tulog lang
o makuntento na lamang
sa panis nating kalagayan
humakbang , gumawa ng paraan
ano pa ang katuturan
ng ating karunungan
at ng ating pinag-aralan
kung hanggang dito na lang
ang ating kasasalpakan
dugyut na mga daan
parang basurahan
butas butas na sagaran
na-iipit na mga daluyan
ng walang humpay na ulan
ang panandalian kaligayahan
ang inuumpisahan
shabu, sinehan,
megamalls, motel, masahian
inuman, kabaret, at mga sugalan
dakdakan, kayabangan
diyan tayo mayaman
pedrong panaginip nga naman
at juang tamad sa totoo lang
iyan nga ba ang pangalan
nakadikit sa ating bayan
Hoy, Wag ng magmaangmaangan
sagad buto na ang ating karamdaman
gagawa ka na ba ng paraang
umiba naman ang takbo ng kasaysayan
ng ating amuy panis na bayan?

Ganon bayan, ganito ba yan,
sa tulad mong mahirap,
na nagsusumikap?
Hanggang kailan matutupad,
na makamtan,
ang mga panaginip na matiwasay,
na may maayos na buhay,
na may sariling bahay,
Balintataw na’to nga’y,
tuluyang bang maluluray?

Hindi kaya Pilipino,
malaki ang sakit mo?
Ako, Ikaw, tayo nga mismo.
ay may kaugalian laban sa kaunlaran.
Hindi angkop ang inaasal
sa katotohanan.
Na ayaw nating iwan,
mga Pedrong panaginip,
na nagtatawanan.
At mga Juan na hindi man,
tamad ay walang utak.
Sa buhay na itatahak,
ay walang malinaw na daan,
kung saan ang dapat,
na paroroonan.

Ano bayan, ika’y makinig!
Marunong at matinik,
para kumita subalit,
Sa paghawak ng salapi,
daig pa ang paslit.

Kung maka-ipon,
ay para lang maitapon,
sa hilig ng katawan,
at ng kayabangan.
Kung hindi man,
drogang gastusan,
sa utog yan,
tayo ay gahaman.
Kaya nanigas
pati katinuan,
tumigas,
pati kalooban.
Buhay ay tuluyan,
ng nangalagas.



Ano Ba yan, Bayan kong irog?
Kung ikaw ay sa masidhing libog,
nag kalubog lubog,
wag munang idamay,
na mapasakamay,
ang disgrasyang pagbuntis,
ng iyong sintang inis.
Ng di na lumubha,
ang pagdukha,
ng yung buhay,
na walang saysay.
Huwag munang idamay,
ang batang magagawa,
dahil ito lang ay kawawa.
Kaya iwasang pilit,
tamod mo’y kumapit,
sa matris ng yung sinta o kabit.
Dahil mapapahamak din lang,
ang sanggol na isisilang,
sa kahirapan.
Pati na ang buong bansa,
ay magkakapasapasa,
sa patong patong na palamunin.
Hindi naman kaya natin,
dadami lang ang krimin,
dahil sa mga katulad n’yong,
mga damuho at mga gago,
bansa’y nagkakagulogulo.
Higit na kasalanan,
kung iyong pababayaan,
kung sila’y sinilang,
na magiging tulad lang,
ng bata sa lansangan:
Mahilig sa droga,
na kanya ring binebenta.
Walang edukasyon,
Tambay buong maghapon
kampon ng maton.
Baka maging puta pa,
dahil sa hanap na pera,
o isang rebeldeng barumbadong
mamatay tao,
naghihimagsik,
at naghahasik,
ng kilabot,
na kanyang nadampot,
sa kanyang poot.
Dahil ang paghihikahos,
ang lahat ang nagdulot,
ng kasamaan dito sa bayan.
Sadyang napakahirap,
kung ito’y may magaganap,
na maging mabuting mamamayan,
at maging mabuting tao,
kung gutum mo’y sagad buto.

Ano ba yan, ano ba yan.
Bulok na bahay,
naguumapaw sa inuman.
Sa mumunting kumpuni,
hindi makabili.
Pero sa resto, disco,
sine at biglang liko,
Tumutungo,
perang libo libo.
malabo, malabong malabo
kung tayo ay ganito
hindi matututo
sa tamang wasto
Pinoy ito nga ba’y totoo?


Pamilya at kabuhayan mo,
ay nagkalokoloko.
Mga anak, kapatid, apo,
na walang baon ni piso,
ay nangangayantot,
sa pamamaluktot,
na tanging laman,
ng buteteng tiyan,
ay masaganang utot.
Na ikaw sa utot,
ay higit pang maangot,
dahil ikaw na ma-utog,
ang sanhing nagdulot.

Ano bayan, ano ba!
Tinapon ang munting kinita,
sa mga walang kuwenta,
mga bagay na,
magbibigay nga ba,
ng pusong masaya?
Ayaw magkasya,
sa iyong makakaya,
mga pangunahing kailangan,
ay kinakalimutan,
Nauubos ang pinagkitahan,
sa luhong katangahan.
Ginagastos sa mga bagong uso,
at mga modelo,
masabi lang sa iyo,
ang galing mo,
ng mga tao,
na mga inggitero
na mga bolero,
mga taong hipokrito,
na tulad mo.
At sa mga puso nito,
ay lumilibak sa ‘yo.

Ano bayan, ano at bakit!?
Bakit ayaw mong mag-isip?


Buhay ay nakaipit,
at tila nakapinid,
sa kwadradong kaisipan,
kinalakhan, at kaugalian.
Wala ka bang talino,
upang intindihin mo,
kung bakit nag kaganito.
At kung saan at papano,
makaalpas omakatakas,
sa kinalalagyang rehas.

Ano bayan? Ano ba yan!
Mga lulungi sa dagat dagatan.
Mga talangka sa mga daan.
Kapit tukong lumalaban.
Talangkang nagtatalangkaan.
Mga talinong sinasayang,
sa mga banyagang kalakalan.
Mga lakas na hinihiga lang,
nabubuhay na pasayang.
Oh!, gising na Pedro at Juan,
ang maling kaugalian,
umpisahang labanan!

No comments:

Post a Comment