Wednesday, December 2, 2009

Ganito na lang ba, bayan?



Panaginip at daldal,
ang ating kinakamal.
Kaysa sa may kapal,
tayo ay magdasal,
sa ating buhay,
na nawalan ng kulay,
at hirap na tunay,
na lumalagatay,
ang syang naghahari.
Hirap ay di pumili
sa iyo, hinding hindi.
Ikaw ang pipili,
ng klaseng bukas,
sa iyong landas,
na pagtaas,
at ng iyong wakas.

Ang sinasabi ng iba,
kung oras mo - oras mo na.
Kahit maingat ka.
o magtago ka pa,
buhay na takda,
ay yong tadhana.
Pero huwag kang tatanga-tanga,
ituloy ang ingat sa sakuna,
sa sakit o disgrasya,
dahil hindi mo pa oras,
ikaw ay mauutas
kung ang ulo mo ay may butas,
at ikaw nga ay uungas-ungas.

Ang pagpapalaki ng anak
ay isang parang pilak
na ang Diyos ang nagpahawak
na dapat mong dibdibin
na kipkipan ng dalangin
at tamang pagtingin
sa anak mong kapiling
takot sa Diyos paitindihin
palakihin mong may disiplina
subalit bilang ama o ina
huwag ka lang palo ng palo
ipaliwanag bakit sya napalo
Ang tuwid ay ituro
mag-iingat kang pagbuhatan
ng kamay para saktan
O matakot sayo na magulang
o paghaharian ng walang dahilan
Wag na wag mong pababayaan
lumayo sa iyo
ang puso nito
panahon ay ibigay mo
pilitin mong maging ehemplo
ng iyong tuwid na itinuturo
ng ito’y tumimo sa puso
at ng mabuhay ng matino



Dahil mas madaling magsalita
kaysa isagawa ang tamang halimbawa
Maging gabay ka, tumawa ka
paligayahin sila
at ang isa pa
hayaan mo silang maghirap
sa pagsusumikap
hayaan mo silang sumingap singap
Habang ika’y kaharap
habang ito’y nagaganap
kaysa kung wala ka na dito
sa mundo
doon mangyayari ito.
Ibibigay mo lang ang tulong mo
sa tamang pagkakataon,
sa tamang panahon
kung sa paglangoy
ay di na nga makaahon
ng sa ganoon mapatuto
ng magkabuto
na lumaking may gulugud
na iyong ikalulugud
magkaroon ng tunay na paa
kamay, puso, noo at mata.

Huwag mo lang sila
na bigyan ng buhay
Bigyan mo rin sila
ng kaluluwa,
kaya kayong nag-iisa pa
at walang pamilya
ay maghunus dili na
Isang malaking krimin at kasalanan
at malaking kamalian at kahibangan
at kababuyan kung ang pagiging magulang
ay di tunay na gagampanan.

Kung hindi mo kayang maging magulang
ay wag mo na lamang tulad mo ay dagdagan.
Huwag kang kikitil ng buhay
ngunit mas higit na tunay
na huwag ka ng mandamay

Sa pag-aaral ng mga anak
ipakita mong ika’y nagagalak.
bigyan sila ng binhi ng pagsusumikap
sa pamamagitan ng pangaral na ganap
na makamit ang pangarap ng ubud liwanag
Bigyan sila ng gabay higpit sa hawak
Ituro ang daan na dapat na itahak
at huwag hayaang lumisya sa pagtahak

No comments:

Post a Comment