Wednesday, December 2, 2009

Taong Epektibo




Ang Pananaw at Kaugalian ng Taong Epektibo
Iniisip nito na kaya nyang maging numero uno
Na ang lahat ng tao ay mahalaga dito sa mundo
Hindi s’ya marunung mang maliit ng kapwa tao
O manghusga man ng nilalang, o ng kahit sino
Hindi marunong masindak sa profesionalismo
at lalong lalo na sa mga taong lyoso’t hipokrito
O masilaw sa mga opisina o suot ng mga ito
Hindi ang mas mahalaga ay ang angking talino
Kundi ang pagsusumikap sa adhika at trabaho
Alam niya na ang sampung utos na para sa tao
at iba pa ay hindi kayang durugin ng kahit sino
Bagkus ang sanong suwail ang madudurog dito
Ginagalang nya ang pagkatao’t mga prinsipyo
Tulad ng parehas na laban, wag mangperwisyo
pagkapantaypantay, paglingkod ng buong puso
Integridad na walang lambot, sing tigas ng bato
Katapatan at buhay na matuwid, unat na diretso
Alam nya ang malagong pagyabong kung tutubo
ay kailangan ang pagpala’t pasensyang matino,
at ang patangkilik ng adhikaing tuwid at makatao
Alam nyang paniniwala ay mapa’t prinsipyo’y teritoryo
Handang mag-umpisa sa kahit anong trabhong matino
Ang tiwala sa sarili ay hinuhugut sa pagsusumamo
sa Panginoon na Buhay na tulungan siyang tumayo
Hindi humihindi sa mga taong tunay na bigo
pero sya rin ay humhindi kung kanyang natanto
Na hindi niya dapat sa taong to ay tumango.

No comments:

Post a Comment