Tuesday, December 1, 2009

BAYAN KONG API



















Dahil sa kakulangan
isa na ko sa lumisan
dahil walang mapagtrabahuan
dito sa ating bayan
at kung ikaw man
ay may pagkakakitahan
kay tikoy naman ng bayaran

Ang bayan kong iniwan
puno ng sinehan,
Kahit bukas ay walang kainan
basta maaliw ng sandalian
uubusin ang mumunting kayamanan
limampung piso lang naman
Halimbawa lang yan
ng ating pinahahalagahan
Bat ganito tayo bayan
Saan ang ating patutunguhan?

Mindanao na dinudurog
ng bawat isa,
Pinagsabug-sabug
ng adhika,
pinupupug
ng muhi’t dalita.
Impit hiyaw sa hirap.
pano di ka iiyak
ginagawang kalakal
ang mangkidnap
Ang negosyong nagaganap
dito sa bayan ng kahirapan
ay putok at kay inam
dahil sa kainaman
pinalawak pa ang kalakalan
Humayo sa iba dahil kulang
ang huli na makakamtan
dito sa ating bayan
mga negosyanteng mamamayan
dumayo pa sa ibang makukuhanan
Dati rati pinoy lamang
o inchik dito sa lipunan
ang pinupuhunan
ngayon ay may german
franse, at amerikan
may taong galing sa finland
pati na rin ang malaysian
para maiba naman
at hindi lang yan
produktong ibang bayan
mas mahal ang singilan
Turismo ay kuminang
sa board and lodging pa lamang
nangamula na ang mga hasang
ng kapatid nating matatapang
Mga batang nasa paaralan
nakatulong din sa pagkakakitahan
may mga naglarong nagtaguan
taguan ng taguan
mayroon pang larong pinugutan
para naman ang pamahalaan
sila ay pag-ukulan
ng usapang masisinsinan
at bilisan na ang bayaran
o ang katapusan sa kuwentuhan
pera lang naman ang kailangan

Mahirap isipin kung saan ka nanggaling
sa nahong ang hirap ang kapiling
nakaka iba dahil mata’y naduduling
sa paghanap na sandakot na kanin
Ibig sabihin walang makain
dahil si ama ni walang trabaho
dahil siya ay natanto
na isang kawatero
mga bibigay sa mga tao
ng estados unido
ay bininta ng libolibo

Ang Visaya maraming bida
May Ilonggo, at mayroong Cebuano
May waray at taga Boholeno
Di rin patatalo ang mga Bicolano
Samo’t saring talino
ang iyong ma-eeng kuwentro
datapwat kung aarukin mo
pareho pareho lang lahat tayo
tayong lahat ay Pilipino
kaya iisa lang ang gulo
tayo ay may sentimyento
na taga dyan at taga dito
kanya kanya tayo tayo
pero ang lahat asal Juan at Pedro

At ang Luzong ito,
pugad ng nakalbo
sa totoo na prinsipyo
Mga buwayang aso
na humihigop ng dugo
nitong kapwa tao
Pinaggagancho
kapwa Pilipino
sa kapirasong
dinaryo

May presidente tayo
na manloloko
ubud ng bolero
para raw sa obrero
mahihirap na tao
ang kanyang liderato
at gobyerno
itutuon ang maneho
tungo sa mga proyekto
sa kapuspalad na tao
E bakit nga ba ninyo
ibinoto ang lasenggo
at babaero
ayan at ang totoo
lumabas ng todo
siya’y manggagantso
hari pa ng sugalero
dambuhalang kawatero.
Tulad ni makoy mo


Tingnan mo ang bansang to
watakwatak na nga ang lupa
bitak bitak na nga ang mga pulo
pati pa ba ang ating dila
mga nakalilitong salita
ay pumaiilalim sa pagkatao
na may sarisariling diwa
na hiwahiwang natanto
na may utak Visaya
Tagalog at Ilocano
iba’t ibang diyalekta
ako’y nalilito.

Hindi umunlad-unlad noon pa
dahil sa mga samot saring walanghiya
Kailan nga ba
tayo hihinga
ng ligaya
ng tunay na pag-asa?

Magtulungan, tayong lahat
Kaapiha’y ikulong
Manumbalik sa Maykapal
Tumulong sa pagsulong.
Tulungan ang sarili
at magmalasakit
Kundi’y pait ay maninikit.
sa atin ay tuluyang kakapit

Kung di ikaw at ako
ay sino
ang magpapaka
Pilipino?
Kapatid mahal mo ba
ang bansa mo?
Dahil kung hindi magbabago
ang anak mo at anak ko
baka ikahiya ang pagkapilipino
Sino nga ba ang gustong
maging Pilipino
pag ganito ng ganito.

No comments:

Post a Comment