
Dapat na mayrong tuwid na bisyon ang sang pinuno
Tulad ng kompas na sigurado kung saan patutungo
Ang problemang ating ngayo’y dinaranas
ay hindi malulutas sa parehong kaisipan
nang ito’y ating iniluwal sa kaganapan
Tayo ay kung anuman ang ating ginagawang pauli-ulit
Samakatwid ang kagandahang asal ay gawang di mawaglit
dahil sa paulit-ulit ito na nga ay nakadikit
Ipinunla mong iniisip, aanihin mong gagawin
mga gawang ipinunla, ugali ang mapapala
ipinunlang ugali, katauhan ay matatali
katauhang ipinunla, bunga ay iyo ring tadhana
Maaaring sabihin na ang kaligayahan
ay ang bunga ng iyong adhika’t kagustuhan
at ang kahandaan sa sakripisyong kabayaran
Na iyo ngayong sapilitang pinagtutustusan
para mapitas at malasahan bungang pinaghirapan
at makamit ng tuluyan ang malagong anihan
Ang pag-angat ay napaka-ubod ng hirap
pero pag nasa taas, galamay ng hirap
di ka na basta bastang mayayakap
Ang ibayong pagunlad, hindi na pangarap
dahil ito’ay nakaharap, madali ng malasap
Kung kaya mong ilarawan ng buong linaw ang kamalian ng iba
Ay dahil ikaw rin ay may parehong kamaliang tulad nila.
Kung hindi mo kaya na ang sarili ay ididisiplina
Siguradong gagawin ito para sa yo ng iba.
Ang libro ay isang napakagandang bagay
pero sa mangmang halos wala tong saysay
Maging mabilis makinig, linawan ang pandinig
subalit hinahong tunay sa paggamit ng bibig.
Ang magandang asal ng kahit sinong tao
ay sintido kumon na isinagawa sa wasto
Kung gusto mong maiwasan na walang taong mabuwisit sa yo
Unang una mong gagawin ay isara ang bunganga mo
wala ng ibang nakakabuwisit
sa taong pinag-aralan ay mas maliit
pero ang sintido kumun ay mas lintik
Gawing aral ang kasawian
kaysa ito gawing kapalaluan
sa ibayong pang katangahan
pinag-aralan na nasadlak
sa gumaganang utak
ay karunungang tumpak
Ang kawaisan na hangad mo ay mararating
hanggang hinahanap mo ito ng magaling
Kung tinititigang mapalis, ang oras mo’y tamad na umaalis
Kung ikaw ay nagtratrabahong makinis, ito ay sakdal na bibilis
Ang buhay natin ay parang nagkakalat at nagsantambak na detalye
Ayusin, walisin, itapon ang kalat, piliting gawing simpleng simple
Kung ninanais ang mabangong rosas
Ang tinik ay iwasan bago pumitas
Mag hanapbuhay, hindi lang para mabuhay
kung hindi magkaroon ng buhay
Sa linaw ng pahayag wala ng mas mabisa
sa sinalansan at inayos na piniling salita
ang kunsumisyon at pag-aalala sa mga baka mangyayari
ay walang idudulot kundi hina ng katawan at pagtatai
Ang taong kalyosohan ay sukdulan na
Kung minemenos lang syang basta basta.
No comments:
Post a Comment