
Ang salitang lumabas kahapon
ay baka bisitahin ka ngayon
Ang iyong nagawa ang alingawangaw ng sino ka man
ang dalo’y ng yong isip ang kaluluwa ng yong kaanimuhan
Ang resulusyon mo ang iyong tipon sa pangarap na kaganapan
Ang mga detalye at impormasyon ay kaalaman
Ang kaalaman at kaunawaan ay katalinuhan
Alam mong may pinag-aralan ka
Kung naintindihan mo ito at naalala
Hindi tunay na basihan
ang mataas na paaralan
O kahit anung pinag-aralan
Para basihan ang yung katauhan
Ang matino at matuwid na pagkatao
ay iyong ginagawa ang totoo
at iyong salita’y tinutupad mo
Huwag mong sabihing iyong susubukin
Bagkus gawin mo o huwag mong gawin
Ang pagiging mabuting pagkatao kaibigan
ay nakaangkla sayong maayos na kaugalian
Kung hindi mo iisiping ikaw nga ay masaya
Ang magiging kasiping mo’y lungkot at dusa
Hindi lahat ng sa buhay katotohanan ang gagamitin
Minsan ay may saysay kung ikaw ay magsisinungaling
Alamin mo lang gamitin sa magaling at ng di mapaling
Ang buhay ay isang trahedya kung iyong dadamdamin
ito naman ay katawanan kung iyong aarukin at iisipin.
Takot ay lumalamat kung hindi mo isisiwalat
Kung iyong isisiwalat takot ay mawawarat
Responsibilidad nga ay sadyang mabigat
kung hindi tamang nakalapat at nakakalat.
Ang pinakamalusug mong magagawa
ay maging masayang masigla
at maging masiglang masaya
Ang walang pasensya ay kaunti ang ligaya
sindaklot ang saya kung may tira pa
Kung ganito ka , kay laki mong tanga
Hindi ang tanong kung paano ka makakalaya na
Ang dapat itanong ay anong gagawin mo nga ba
Magtiwala ka sa sarili lamang at wala sayong manlilinlang
Datapwat ang isang walang katiwatiwala ay pareho lang
sa isang taong puro tiwala na lamang sa lahat na nilalang
Huwag kang manangis at mainis
Gumising ka’t ikaw ay maglinis at magpawis
na matupad ang iyong adhika’t panaginip,
sa higaan mo ikaw ay tumindig at umalis
Ang mundo ay pinalulukuban at pinaghaharian ng emosyon.
At ang dalawang pinaka-kahinaan ng lahat lahat na lipon
ay ang hilig sa laman na kamunduhan at ang paglamon
Ang sino man na hindi nagkamali
ay ang taong batugang sawi
Napakalalim at napakalawak ng dagat
dahil batis man ay tuloy na tinatanggap
Magandang maging maalam at mas wais
Pero hwag mong sabihin to kahit padaplis
Ang pinakamahalaga sayong talumpati
ay yong mga paghintong pakonti konti.
Ang tuwid na pagkatao ay hindi regalo
ito ay dapat pagpawisang isabuhay mo.
Kung masaya ka sa trabaho, buhay ay mabango
kung inis ka naman dito, buhay ay magagago
Mas higit dalisay na ikaw ay mamatay
na ang mga paa mo ay nakatindig
kaysa ikaw nga dyan ay buhay
nakaluhud naman sa manlulupig
Ang daloy at takbo ng iyong utak ay supilin
Ito ay paka-suriin ng hindi ka nito maalipin
Ang takbo ng isip mo ay hwag pabayaan
Sa pagsupil dito ikaw ang may kalayaan
Kung lalasapin mo na ang tagumpay sa iyong isipan
Kaganapan mangyayaring totohanan
Kung hindi mo alam ang daan sa buhay na pupuntahan
Si Kamatayan ang magbibigay daang kahahantungan
Ang kalayaan ay ang pagka-alam ng mga gagawin
at ang kapasidad na kung ano ang pipiliin
Hindi mga araw sa ala-ala ang nananatili
Kung hindi ang mga mumunting sandali
Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika
ay masahol pa sa mabaho at malansang isda
ika nga, ngunit mas higit na malansa
kung pabigat ka at sa higa nagpapasasa
sa bahong hininga nakabibitak na
ng tino at saya, mahihilo ka pa
sa ganitong tao ay takbo na iwasan siya
kahit anung salita galing sa yung bunganga
kung pilipino ang puso mo, pilipino ka
at nagsusumikap na umunlad ka
ang iyung bayan at ang iyung pamilya
Pangalang Pilipinas hindi mo ikinahihiya
Ganittong Pilipino o Pilipina
Ang pinagpipitagan ng ating bansa
O Pagibig kung pumasok sa puso ninuman
hahamakin lahat masunod ka lamang
Siguraduhin mo lang di libog yan
Dahil kagaguhan yan at sadyang sayang na sayang
kung matanto mong si Balagtas
ay may sariling antas at hindi ka papatas
Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan
ay hindi makakapunta sa paroroonan
ngunit huwag kang tingin ng tingin
baka bumangga ka sa iyung dadaanin
Sa lupang ating ginagalawan
ay huwag kang magyabang
paka-arukin mo’t isipin ito
na tayong lahat dito sa mundo
na ang pinakamagaling na tao
ay kasing inam lamang
ng napakaduming basahan
Ang pagtanggap na mahusay sa sariling katotohanan
ang unang hakbang sa daan ng kaligayahan
Ang kagaguhang katangahan at biglabiglang galit
Hindi lang may kaugnayan, ito ay magkapatid
O kabayan, makinig ka at huwag ka ng hihirit
Hindi mo lang to balakid ito’y sayo’y nakakabit
Isipin paano alisin tong sakit kaysa sa aki’y magalit
Maaaring patawarin ang taong pumatay na binulag ng ngitngit
Huwag patawarin ang isang taong pumatay ng walang galit
maliban lang kung hindi sinadya o kaya ay pinilit ng malulupit
Ang katotohanan ay diretso at simpleng-simple lamang
ganoon din naman ang mga pinakamagagaling na nilalang
Ang taong maraming pinangako
marami ring pangakong ipapako
Walang paktorya o kalalkalan o gusaling paaralan
Ang nagmamay ari ng karunungan at kaalaman
Kung inisip mong kaya mo, kaya mo nga.
Kung iniisip mong di mo kaya, mag-isip ka.
Kung inisip mong alam mo na ang lahat lahat
Dito ka nagsimulang maging tunay na tunggak
Hindi sa hanapbuhay tayo nagkakagatla
Kung hindi ang pag-iisip at pag-alala
Ikaw ay pinagpipitagan hindi sa binigay sa yo
Kundi sa mga nagawa at naibigay mo
No comments:
Post a Comment